Pumunta sa nilalaman

Polder

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Polder

Ang polder (Ingles: file folder o "panuping pangtalaksan", gamit sa Estados unidos; o folder, gamit pang Britanya o Australyano, literal na "panupi" o "pantupi") ay isang uri ng tiklupan o paniklop na humahawak sa mga papel para sa organisasyon at proteksiyon. Kadalasang naglalaman ang mga polder ng mga dahon ng makapal na papel o iba pang manipis, ngunit matibay na materyal na itinutupi sa dalawa at ginagamit para magtago ng mga papel na dokumento. Kadalasan na ginagamit ang mga ito nang kasabay na may kasamang kabinet para sa pagtatago. Madali nabibili ang mga polder sa mga tindahan ng kagamitang pang-opisina. Sa Nagkakaisang Kaharian, isa sa mga pinakamatanda at pinakatanyag na kompanya ang Railex.[1] Tumatanggap din ang Smead Manufacturing Company[2] ng kaparehong estado sa Estados Unidos.

Ang mga pangtalaksang polder ay kadalasang tinatatakan base kung ano ang nasa loob nila. Maaaring matatakan ang mga polder ng direkta sa tab ng lapis o bolpen. Naglalagay naman ang iba naman ay naglalagay pa ng mga dumidikit na tatak o nagsusulat sa mga ito. Mayroon ding mga elektronikong panggawa ng marka na ginaagamit para sa pagtatatak.

Ang mga polder ay maaaring gawa sa plastik o papel. Kung nagamit ang papel, mas ninais ito na gawa sa sapal ng papel (paper pulp) na may mahabang hiblang selulusa (cellulose fiber), gaya ng papel na kraft o papel de Manila.

Naka-tab na polder

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga tab na may tatak

Naka-tab na istilo/gupit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga polder ay puwedeng magkaroon ng mga tab. Nakakatulong ang mga tab kung maraming mga talaksan ang nakatago nang mgkasama at nangangailangan ng isang madaling paraan para malaman ang mga pagkakaiba nila. Ang mga tab ay puwedeng nasa itaas ng mga polder (madalas sa mga negosyong opisina) o sa dulo/tabi (madalas sa mga medikal na opisina). Ang mga laki ng tab ay nagkakaiba at naka-ayon sa proporsyon nito sa haba ng isang folder. Puwede itong maging:

  • Diretsong gupit
  • 1/3 putol
  • 1/5 putol
  • 2/5 putol
  • 1/2 putol

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.railex.co.uk/ Railex Storage
  2. http://www.linkedin.com/companies/smead-manufacturing Naka-arkibo 2010-05-09 sa Wayback Machine. Smead Manufacturing Company Profile