Pumunta sa nilalaman

Lalawigan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Probinsyano)

Ang lalawigan o probinsiya ay isang sakop na kalimitan ay kumakatawan sa mga sinasakupan ng isang bansa.

Mga Lalawigang Romano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salita ay natagpuan sa Ingles noong c.1330, na nagmula sa Lumang Pranses na province (Ika-13 Dantaon), na nagmula sa salitang Romano na provincia, na tumutukoy sa mga gawain kung saan ang isang mahistrado ay nakatalaga na gawin ang kanyang katungkulan; tiyak, sa mga sakop na banyaga.

Ang maaaring pinagmulan nito sa Latin ay mula sa pro- ("bilang kabahagi ng") at vincere ("sa tagumpay/sa pangangasiwa"). Kaya ang isang lalawigan ay isang sinasakupan o gawain ng isang Mahistradong Romano na nangangasiwa bilang kabahagi ng kanyang pamahalaan. Subalit ito ay hindi katulad sa unang gamit na Latin bilang pangkahalatang tawag ukol sa sakop sa ilalim ng Batas Romano.

Ang Emperyong Romano ay nahahati sa mga lalawigan.

Mga lalawigan sa Makabagong mga Bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa maraming mga bansa, ang isang lalawigan ay isang maliit na antas ng pambansang pamahalaan (tulad ng mga county sa mga bansang Ingles ang sinasalita).

Sa iba ito ay isang pagsasariling antas ng pamahalaan at kabahagi ng pederasyon o konpederasyon, na kadalasang may malaking sakop na lugar (tulad ng mga estado ng E.U). Sa Pransiya, at Tsina, ang mga lalawigan ay isang rehiyong sub-nasyonal na nakapaloob sa isang estadong unitaryo. Ito ay nangangahulugang na ang lalawigan ay maaaring alisin o buuin ng pambansang pamahalaan.

Bilang halimbawa, ang lalawigan ay isang yunit na lokal ng pamahalaan ng Belgium, Espanya, at Italya.

Ang mga lalawigan ay mayroon din ibang pangalan sa ibang mga bansa:

Ang Departements ay kadalasang may kakaunting kapangyarihan kaysa sa mga lalawigan. Ang mga maliliit na bansa tulad ng Singapore ay hindi na hinati.

Pinagkunan at sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]