Propilaksis
Ang propilaksis (mula sa Ingles na prophylaxis) ay ang mapang-iwas na paglalapat ng lunas o panggamot upang makapagsanggalang o maprutektahan ang tao o katawan ng tao laban sa karamdaman. Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga propilaksis na pambibig o oral na propilaksis (paglilinis ng ngipin upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga plake at pagkabulok ng mga ngipin); ang gamot na quinine na lunas o remedyong propilaktiko laban sa malarya; ang baksinasyon laban sa bulutong; at ang "ointment ng kalomel sa lanolin" ni Elie Metchnikoff na mahalagang propilaksis o panlaban sa karamdamang benereal at nabanggit sa pahina 372 hanggang 373 ng babasahing Medizinische Klinik (o "Klinikal na Panggagamot") noong 1906.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Prophylaxis". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 597.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.