Pumunta sa nilalaman

Przesłuchanie

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Przesluchanie
DirektorRyszard Bugajski
Prinodyus
Sumulat
  • Ryszard Bugajski
  • Janusz Dymek
Itinatampok sina
  • Krystyna Janda
  • Adam Ferency
  • Janusz Gajos
SinematograpiyaJacek Petrycki
In-edit niKatarzyna Maciejko-Kowalczyk
Produksiyon
Zespól Filmowy "X"
Inilabas noong
  • 13 Disyembre 1989 (1989-12-13)
Haba
118 minuto
BansaPolonya
WikaPolako

Ang Przesłuchanie (Ingles: Interrogation, Filipino: Interogasyon) ay pelikula noong taong 1982 na idinirek ni Ryszard Bugajski mula sa dulang pampelikula na sinulat niya at Janusz Dymek. Nakasentro ang kuwento ng pelikula sa isang ordinaryong apolitikal na babae na nangangalang Tonia, na ginampanan ni Krystyna Janda, na tumatangging makipagtulungan sa mapang-abusong sistema at sa mga opisyal nito, na nagsisikap na pilitin siyang sisihin ang isang dating magkasintahang hindi sinasadya, ngayon ay isang akusado na bilanggong pulitikal.

Ang pelikulang ito ay pinagbawalan na ipalabas sa publiko ng pamahalaang komunista ng Polonya dahil sa mga eksena nito na bumabatikos sa rehimen noong panahong iyon.[1] Sa kabila ng kontrobersyal na paunang pagtanggap nito at kasunod na pagbabawal, kinalat ni Ryszard Bugajski ang mga ilegal na kopya ng mga VHS tape ng pelikula sa publiko na umani ito ng kasikatan.[2][1]

Noong 1989, pagkatapos ng pitong taon ng pagbabawal at ang pagbagsak ng imperiyalismo ng Unyong Sobyet sa Silangang Europa, ito ay pinalabas ito muli sa publiko sa unang pagkakataon.[1] Pinalabas ito sa mga sinehan sa Polonya noong 13 Disyembre 1989 at naging kalahok sa 1990 Cannes Film Festival na kung saan nanalo si Krystyna Janda bilang Pinakamahusay na Aktres pero nominado sa gantimpalang Palme d'Or.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Benson, Sheila (26 Setyembre 1990). "Movie Review - 'Interrogation': Janda's Arresting Performance". Los Angeles Times. Nakuha noong 1 Setyembre 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Interrogation". Second Run DVD. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2011. Nakuha noong 1 Setyembre 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Przesluchanie". Festival de Cannes. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2015. Nakuha noong 5 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)