Punong Pampasko
Ang punong pamasko o punong pampasko (Ingles: Christmas tree o Tannenbaum) ay isa sa pinakatanyag na mga kaugalian na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Pasko. Karaniwan itong isang puno na palaging lunti at koniperoso (may bungang kono), na dinadala sa isang tahanan o ginagamit sa labas ng bahay, at pinapalamutian ng mga ilaw na pamasko at makukulay na mga ornamento tuwing mga araw na nakapaligid sa panahon ng kapaskuhan. Isang anghel o isang bituin ang madalas na inilalagay sa tuktok ng punong ito, upang maging representasyon ng Bituin ng Betlehem magmula sa Kapanganakan ni Hesus.
Bilang isang punong dinekurasyunan, ang karaniwang ginagamit na palaging lunting koniperong puno ay ang katulad ng punong pino o fir. Ang isang artipisyal na punong pampasko ay isang bagay na nilikha upang maging kahawig ng tunay na punong pamasko, na karaniwang yari mula sa polyvinyl chloride (PVC).
Ang puno ay makatradisyon at dating nadedekurasyunan ng mga pagkaing nakakain, katulad ng mansanas, mga mani, at mga datiles. Noong ika-18 daantaon, nagsimula itong pagliwanagin sa pamamagitan ng mga kandila, kung saan ang elektripikasyon ay maaari ring gamitin sa pamamagitan ng paghalili ng mga pamaskong ilaw. Sa ngayon, mayroong malawak na kasamu't sarian ng pangtradisyong mga ornamentong pamasko, katulad ng mga garland, mga tinsel, at mga kending baston.
Ang kostumbre ng punong pamasko ay umunlad sa loob ng kaagahan ng modernong Alemanya na may mga ninuno na maaaring bakasin mula sa ika-16 na daantaon at maaaring sa ika-15 daantaon, kung kailan ang mga Kristiyanong deboto ay nagdala ng mga punong pinalamutian sa lob ng kanilang mga tahanan.[1] Nagkamit ito ng katanyagan na lampas sa hangganan ng Alemanya noong pangalawang hati ng ika-19 daantaon.[2] Ang punong pamasko ay naging nakikilala rin bilang "puno ng Yule", natatangi na sa mga pagtalakay ng mga simulain nitong pokloristiko.[3][4][5]
Dekorasyong pangtaas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tree-topper (Ingles, literal sa Tagalog bilang pang-tuktok sa puno) ay dekorasyon na nilalagay sa tuktok ng isang Christmas tree (Puno ng Pasko). Iba't-iba ang porma ng isang tree-topper at mayroong mga hugis anghel at hugis Santa Claus, ngunit ang pinakakaraniwang hugis ay ang bituin at kadalasan gawa ito sa bakal, salamin o plastik.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "History of Christmas Trees". History. Nakuha noong 15 Disyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ingeborg Weber-Kellermann (1978). Das Weihnachtsfest. Eine Kultur- und Sozialgeschichte der Weihnachtszeit [Christmas: A cultural and social history of Christmastide]. Bucher. p. 22. ISBN 3-7658-0273-5.
Man kann als sicher annehmen daß die Luzienbräuche gemeinsam mit dem Weinachtsbaum in Laufe des 19. Jahrhunderts aus Deutschland über die gesellschaftliche Oberschicht der Herrenhöfe nach Schweden gekommen sind. (Ingles: One can assume with certainty that traditions of lighting, together with the Christmas tree, crossed from the upper classes to the manor houses, from Germany to Sweden in the 19th century.) (Tagalog: Maaaring ipalagay ng isang tao na mayroong katiyakan na ang kaugalian ng paglalagay ng ilaw, na kasama ang punong pamasko, ay tumawid magmula sa mga nasa mataas na antas ng lipunan papunta sa mga kabahayang panghasyenda, mula sa Alemanya hanggang sa Suwesya noong ika-19 na daantaon.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Daniel J. Foley (1999). The Christmas Tree. Omnigraphics. p. 45. ISBN 978-1-55888-286-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Greg Dues (2008). Advent and Christmas. Bayard. pp. 13–15. ISBN 978-1-58595-722-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sheryl Karas (1998). The Solstice Evergreen: history, folklore, and origins of the Christmas tree. Aslan. pp. 103–04. ISBN 978-0-944031-75-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)