Pumunta sa nilalaman

Puting Pulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Puting Pulo, na mas nakikilala sa katawagan nito sa Ingles bilang White Island ay isang pulong buhangin na walang naninirahan na nasa humigit-kumulang 1.4 kilometro (0.87 mi) ang layo magmula sa hilagang pampang ng Mambajao na nasa pulong mabulkan ng Camiguin sa Pilipinas. Ang pulo ay pangkalahatang mayroong hugis ng sapatos ng kabayo, bagaman palaging muling binabago ng laki ng tubig ang hugis at sukat nito. Walang mga puno o silungan dito, at binubuo lamang ito ng mga puting buhangin.[1]

Pagkanapupuntahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Puting Pulo ay nakakahikayat ng libu-libong mga turista bawat taon. Ang pulo ay maaaring mapuntahan magmula sa Brgy. Agoho o kaya mula sa Brgy. Yumbing na nasa Mambajao na humigit-kumulang 4 hanggang 6 kilometro (2.5 hanggang 3.7 mi) sa kanluran ng poblasyon o sentro ng bayan (kabayanan). Maaaring umarkila ng mga bangka magmula sa anumang mga resort o liwaliwang nasa dalampasigan na nakaharap sa pulo.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Landmarks and Tourist Attractions" Naka-arkibo 2011-08-09 sa Wayback Machine.. Camiguin: A Tropical Paradise. Nakuha noong 2011-08-04.
  2. "White Island" Naka-arkibo 2011-08-30 sa Wayback Machine.. Visayan Silent Gardens. Nakuha noong 2011-08-04.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

HeograpiyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.