Pumunta sa nilalaman

Puyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Magkakambal na puyo na may magkabilang gawi pag-ikot.
Isang babaeng may puyo kahugis ng titik "V".

Lumilitaw ang puyo kung ang direksiyon ng buhok ay bumubuo ng paikot na padron. Maaaring tuwid ang pagkakatayo ng buhok sa isang puyo o maaari ding nakahiga sa isang sukdulang anggulo na tila palagiang nakalihis sa estilo ng karaniwang gawi ng buhok ng isang tao. Maaari itong lumitaw kahit saan, ngunit karaniwang nasa putong ng ulo.[1]

Pangangasiwa sa puyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga tao ang naiinis sa kanilang pagkakaroon ng puyo sapagkat laging nakasalungat sa iniibig na estilo ng buhok. Maraming mga pamamaraan para amuin ang isang hindi mapasunod na puyo. Para sa maraming mga tao, ang kombinasyon ng tumpak ng estilo ng buhok, haba, produktong ginamit, at pamamaraan para makamit ang estilo ay maaaring makadaig sa itsura ng puyo. Para sa mga taong higit na maselan, mas mabibigat na mga pamamaraan ang ginagamit, katulad ng elektrolohiya, paggamit ng pagkit o waks at maging operasyong kosmetiko upang mas permanenteng mapanatili ang pagkawala ng puyo.[2]

Puyong kahugis ng titik "V"

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May isa pang uri ng puyo na pababang buhok na kahugis ng matulis na letrang "V" sa gitna ng linya ng putong ng buhok (sa ibabaw ng noo). Namamana ang dominanteng katangiang ito batay sa larangan ng henetiko. Tinatawag itong "taluktok ng balo" (sa Ingles: widow's peak o widow's brow) dahil sa, batay sa kuwentong-bayan ng mga taga-Ingglatera, pinaniniwalang ito ay sagisag na mabubuhay ng mas matagal ang asawang babae kaysa sa esposong lalaki (mauunang mamatay ang lalaki kaysa babae).[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bellaonline.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-13. Nakuha noong 2007-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hairboutique.com
  3. Campbell, Neil; Jane Reece (2005). Biyolohiya. San Francisco: Benjamin Cummings. pp. dahon 265.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.