Rage comic
Ang rage comic ay isang maikling komiks na pang-web na gumagamit ng isang pangkat na mga ginuhit na mga mukha, o rage faces (mga mukhang nagngangalit), na kadalasang nagpapahiwatig ng pagkapoot o ilang mga ibang payak na emosyon o gawain.[1] Lumalaganap ang mga ganitong komiks na katulad ng isang meme ng Internet, at may mga meme na nagmula sa ganitong medyum. Ipinakilala ng Ars Technica ang rage comic bilang isang "uri ng komunikasyong online na tanggap at alisunod sa pamantayan."[2] Ang kasikatan ng rage comic ay ikinakabit sa gamit nito bilang paraan para maparating at gawing katatawanan ang mga karanasang katulad din sa iba.[3] Ang iba't ibang ekpresyon at kilalang mukha ay nagdulot sa paggamit ng rage comic bilang kagamitan sa pagtuturo ng Ingles bilang banyagang wika.[4]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagman ginagamit sa iba't iba mga websayt katulad ng Reddit, Cheezburger, ESS.MX, Ragestache, at 9GAG, ang pinagmulan ng rage comic ay labis na kinakabit sa 4chan noong kalagitnaan ng 2007. Pinaskil ang unang rage comic sa 4chan /b/random board noong 2008. Isa itong simpleng 4-panel strip na pinapakita ang galit ng may-akda tungkol sa pagkuha ng "splashback" habang nasa palikuran, kasama ang huling panel na tinatampok ang isang pinalaking mukha, na kilala bilang Rage Guy, at sumisigaw ng "FFFFFFFUUUUUUUUUUUU-". Mabilis itong kumalat at binago ang tagpuan at tauhan ng mga ibang tagagamit.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Boutin, Paul (Mayo 9, 2012), "Put Your Rage Into a Cartoon and Exit Laughing", The New York Times (sa wikang Ingles)
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Connor, Tom (11 Marso 2012). "Fuuuuuuuu: The Internet anthropologist's field guide to "rage faces"" (sa wikang Ingles). Condé Nast. Nakuha noong 12 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hoevel, Ann (11 Oktubre 2011). "The Know Your Meme team gets all scientific on the intarwebs". GeekOut. CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2011. Nakuha noong 9 Disyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wolford, Josh (2 Nobyembre 2011). "Teaching The English Language With Rage (Comics)" (sa wikang Ingles). WebProNews. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-24. Nakuha noong 10 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ben Dennison. "Our 8 Favorite Rage Comic Characters: a Case Study" (sa wikang Ingles). www.weirdworm.com. Nakuha noong Marso 30, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)