Pumunta sa nilalaman

Arangkada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ratsada)
Arangkada
Isang bola na nahuhulog dahil sa balani
Mga kadalasang simbulo
a
Yunit SIm/s2, m·s−2, m s−2
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
Dimensiyon

Sa mekanika, ang arangkada (mula Kastila: arrancada, lit. 'biglaang pagsimula')[1] o pagbilis (Ingles: acceleration), kilala ring aselerasyon (mula Kastila: aceleración) o akselerasyon (mula Ingles: acceleration), ay ang antas ng pagbago sa tulin ng isang bagay sa paglipas ng oras. Tulad ng tulin, isa ring kantidad na bektor ang arangkada; ibig sabihin, parehong may kalakhan at direksyon ito. Ang oryentasyon (direksyon ng harap) ng arangkada ng isang bagay ay dumedepende sa oryentasyon ng netong puwersa sa bagay na iyon. Dahil sa ikalawang batas ni Newton, ang kalakhan ng arangkada ay nangyayari dahil sa dalawang sanhi:

  • ang netong balanse ng lahat ng mga panlabas na puwersa sa isang bagay — kasukat ng kalakhan rito ang puwersang ito.
  • ang bugat ng bagay na iyon, na dumedepende sa klase ng materyales nito — di-proporsyonal ang kalakhan nito sa bugat ng bagay.

Ang yunit ng SI para sa arangkada ay ang metro kada segundo kuwadrado (m/s2).

  1. "arangkada". Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 28, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.]]