Recto Bank
Recto Bank (Reed Bank) | |
---|---|
Lalim ng taluktok | 9 hanggang 45 metro (30 hanggang 148 tal) |
Lawak ng taluktok | 8,866 square kilometre (3,423 mi kuw) |
Lokasyon | |
Lokasyon | Dagat Kanlurang Pilipinas / Dagat Timog Tsina |
Mga koordinado | 11°20′N 116°50′E / 11.333°N 116.833°E |
Bansa | Pilipinas, inaangkin ng Republikang Bayan ng Tsina |
Heolohiya | |
Uri | Guyot (tablemount) |
Ang Recto Bank (tinatawag ding Reed Bank at Reed Tablemount) ay isang malaking guyot o tablemount sa Dagat Kanlurang Pilipinas hilagang-silangan ng Dangerous Ground at hilagang-silangan ng Kapuluang Spratly. Sumasaklaw ito sa lawak na 8,866 kilometro kuwadrado (3,423 milyang kuwadrado),[1] ngunit may mga lalim na sa pagitan ng siyam at 45 metro.[2] Kinabibilangan ng Nares Bank at Marie Louise Bank ang nakalubog na lugar na mayaman sa hidrokarburo.
Bagamat ipinasiya ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 na nasa loob ng eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas ang Recto Bank, patuloy na pinagtatalunan ang mga karapatang ekonomiko sa lugar – pangunahin ay ng Republikang Bayan ng Tsina – at may mga taong hindi natutuloy ang panggagalugad ng Pilipinas sa mga reserba ng hidrokarburo.
Ang Recto Bank ay nasa hilagang-silangang bahagi ng inaangking teritoryo ng Kalayaan, Pilipinas. Ang nasabing teritoryo ay kinabibilangan din ng hilaga at silangang mga bahagi ng Kapuluang Spratly (na tinatawag na Kapuluang Kalayaan sa bansa). Matatagpuan ang lugar sa labas ng kanlurang baybaying-dagat ng Palawan, hilaga ng Bahurang Iroquois at mga Bahurang Katimugan at silangan ng hilagang bahagi ng Kapuluang Spratly. Ang pinakamalapit na mga bahagi ng Kapuluang Spratly na inookupa ay ang Pulo ng Patag (Flat Island), Pulo ng Lawak (Nanshan Island) at Kulumpol ng Ayungin (Second Thomas Shoal) na inookupa ng Pilipinas, at ang Mischief Reef o Bahurang Panganiban na inookupa.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasunod ng pag-ookupa ng Tsina sa Bahurang Mischief noong kalagitnaan ng dekada-1990, sinadyang pinasadsad noong 1999 ang LST 57 - Sierra Madre, isang lumang barkong pandagat ng Pilipinas ng panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, upang mapanatili ang kutang pandagat ng Pilipinas sa lugar. Nang 15 taon na ang nakalilipas binabantayan pa rin ito ng higit sa isandosenang mga marinong Pilipino.
Noong Hunyo 2019 isang Pilipinong bangkang pangisda ay tinamaan at pinalubog ng isang Tsinong bangkang pangisda. Inihayag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na pinaniniwalaan nila itong sadyang pag-atake dahil sa uri ng insidente, ang bangkang gawa sa kahoy na Gimver 1 ay nakaangkla noong tinamaan ito at hindi tumigil upang tulungan ang mga tripulante ng nabanggang bangka ang Tsinong bangka na gawa sa asero na tumama rito kasunod ng insidente.[4] Kinailangang saklolohan ang 22 tripulante ng lumulubog na bangka ng isang kalapit na bangkang Biyetnames na tumugon sa kanilang mga hinihinging saklolo.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ List of Atolls showing location, area, depth, and rainfall (PDF), geosociety.org, 2001
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ NGA Bathymetric Chart 91005 grapikong inilalarawan nang walang pag-aalinlangan kung paanong umaabot ang mga lalim ng Recto Bank mula mas mababa sa 100m hanggang mas higit sa 1,000m sa mga layong hindi hihigit sa 20km.
- ↑ Pasaylo, June (23 Mayo 2011). "Palace: Reed Bank not subject to negotiation". The Philippine Star. Nakuha noong 15 Abril 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stashwick, Steven. "Chinese Vessel Rams, Sinks Philippine Fishing Boat in Reed Bank". thediplomat.com. The Diplomat. Nakuha noong 15 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ DeAeth, Duncan. "Philippines says Chinese vessel attacked Filipino fishermen in South China Sea". taiwannews.com. Taiwan News. Nakuha noong 14 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)