Pumunta sa nilalaman

Bundok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Talaan ng mga uri ng bundok)
Isang magandang tanawin
Bundok Damavand, Iran
Bundok Banahaw, Pilipinas

Ang bundok (Kastila: montaña, Ingles: mountain[1], mont, at mount [mga katawagang pang-heograpiya][1]) ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak.[2] Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol.

Napoporma ang mga bundok sa pamamagitan ng tectonic forces, erosyon, o bulkanismo at milyun-milyung taon. Pagkatapos nito, ang mga bundok ay pinapatag sa pamamagitan ng weathering, o ibang paraan ng mass wasting, at saka erosyon dahil sa mga ilog at glacier.

Mas magiging malamig sa itaas ng bundok dahil sa kataasan nito. Itong malamig na klima ay apektado sa ekosistema ng mga bundok: ibang parte ng bundok ay may ibang halaman at hayop. Dahil sa lupain, hindi gaano ginagamit ang bundok para sa agrikultura atmas higit pa para sa pagkuha ng mapagkukunan, katulad ng pagmimina at pagtotroso, at paglilibang, katulad ng pamumundok at pag-iiski.

Ang Bundok Everest sa Himalaya ng Asya ay ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig, na ang rurok ay 8,850 m (29,035 ft) sa itaas ng mean sea level. Ang pinakamataas na bundok sa mga planeta ng Solar System ay ang Olympus Mons sa Marte na ang rurok ay 21,171 m (69,459 ft).

Walang pangkalahatang kinikilalang kahulugan ng isang bundok. Ang kataasan, kabuuan, katarikan ay ginamit bilang pamantayan sa pagtukoy ng mga bundok.

Sa United Kingdom at Republika ng Irlanda, ang bundok ay tinutukoy bilang kahit anong tuktok na may 2,000 ft (610 ft) na kataasan. Sa Estados Unidos, tinutukoy ang isang bundok na may kataasan na hindi bababa 1,000 ft (305 m), ngunit inabandona na ang kahulugan na ito noong 1970s. Ngayon, ang United States General Survey ay tinitiyak na walang teknikal na kahulugan sa Estados Unidos.

Ang kahulugan ng "mabundok na kapaligiran" ng UN Environmental Programme ay ang susunod:

  • Klase 1: Katasaang mas mataas ng 4,500 m (14,764 ft).
  • Klase 2: Kataasan na sa gitna ng 3,500 m (11,483 ft) at 4,500 m (14,764 ft).
  • Klase 3: Kataasan na sa gitna ng 2,500 m (8,202 ft) at 3,500 m (11,483 ft).
  • Klase 4: Kataasan na sa gitna ng 1,500 m (4,921 ft) at 2,500 m (8,202 ft), na may dalisdis na mas malaki sa 2 digri.
  • Klase 5: Kataasan na sa gitna ng 1,000 m (3,281 ft), na may dalisdis na mas malaki sa 5 digri at/o 300 m (984 ft) na saklaw ng taas sa loob ng 7 km (4.3 mi).
  • Klase 6: Kataasan na sa gitna ng 300 m (984 ft), na may 300 m (984 ft) na saklaw ng taas sa loob ng 7 km (4.3 mi).
  • Klase 7: Mga nakahiwalay na inner basins at talampas na mas maliit ng 25 km2 (9.7 sq mi) sa lugar na sinasapukan ng Klase 1 hanggang 6 na bundok, ngunit hindi nakakamit ang kanilang mga sarili sa pamantayan para sa Klase 1 hanggang 6 na bundok.

Gamit ng mga kahulugang ito, may kinikilalang tuktok ang ng Hilagang Amerika, 25% ng Europa, 22% ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3% ng Aprika. Sa kabuuan, bulubundukin ang 24% ng lupain sa Daigdig. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin.[3] Nagmula sa mga bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.[4][5]

Bundok sa kabuhayan ng tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bundok bilang sagradong lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bundok minsan ay may malaking parte sa mga relihiyon at mga pilosopikong paniniwala. May maraming bundok sa Gresya katulad ng Bundok Olympus bilang bahay ng mga diyos. Sa kultura ng mga Hapon, ang 3,776.24 m (12,389 ft) na bulkan na Bundok Fuji ay sagrado rin dahil sa libu-libung mga Hapon na umaakyat kada taon.

Impluho sa wikang Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan" (Ingles: backwoods at hinterland).[6] Ang salitang boondocks umiiral din sa wikang Hapon (ブーンドック).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, dahon 492-499, 606 at 612, ISBN 0-7172-0508-8
  2. Montañas (Bundok), nasa wikang Kastila, Los Libros de la Catarata, 2016, dahon 5-21, ISBN 978-8-49097-218-2
  3. Montagne spectaculaire (Mga Nakamamanghang Bundok), nasa wikang Pranses, Glénat Livres, 2017, dahon 11-31, ISBN 978-2-34402-351-8
  4. "International Year of Freshwater 2003". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-10-07. Nakuha noong 2006-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Mountain Institute". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-09. Nakuha noong 2006-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Williams, Edwin B. (general editor) [patnugot-panlahat]. The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0-553-26496-6

Heolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.