Pamumundok
Ang pamumundok (Ingles: mountaineering o mountain climbing) ay ang isports, libangan, o larangan (propesyon) ng mahabaang paglalakad (hiking), pag-iiski, at pag-akyat sa mga bundok. Nang magsimula ang pamumundok bilang mga pagtatangka na maabot ang pinakamataas na tuldok ng hindi pa naaakyat na malalaki at matatataas na mga bundok, nagsanga ito upang maging mga espesyalisasyon na humaharap sa iba't ibang mga aspekto ng bundok at binubuo ng tatlong mga pook: ang kasanayan pag-akyat sa mga mababatong bundok (rock-craft), ang kasanayan sa pag-akyat sa mayelo at maniniyebeng mga bundok (snow-craft), at pag-iiski (skiing), na nakabatay sa kung ang rutang napili ay nasa ibabaw ng bato, niyebe o yelo. Ang lahat ng mga ito ay nangangailangan ng karanasan, kakayanang atletiko, at kaalaman teknikal upang mapanatili ang kaligtasan.[1]
Ang pamumundok ay madalas na tinatawag bilang alpinismo, partikular na sa mga wikang Europeo, na nagpapahiwatig ng pag-akyat na may kahirapan katulad ng pag-akyat sa bundok na Alps. Ang isang mamumundok o mang-aakyat ng bundok na mayroong ganiyang malaking kasanayan ay tinatawag na alpinista. Ang salitang alpinismo ay ipinanganak noong ika-19 daantaon upang tumukoy sa pag-akyat para sa layuning ng kasiyahan ang mismong pag-akyat bilang isang isport o rekreasyon, na kaiba mula sa umaakyat lamang habang nangangaso o bilang isang pilgrimaheng panrelihiyon na pangkalahatang ginagawa noong kapanahunang iyon.[2]
Ang UIAA o Union Internationale des Associations d'Alpinisme (Pandaigdigang Kaisahan ng mga Samahan ng Alpinismo [o Pamumundok]), ay ang namamahalang katawan sa buong mundo para sa pamumundok at pag-akyat sa bundok, na humaharap sa mga paksang katulad ng pagpunta, pangmedisina, proteksiyon ng bundok, kaligtasan, kabataan at pag-akyat sa yelo o niyebe.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cox, Steven M. at Kris Fulsaas, mga patnugot, pat. (2003-09). Mountaineering: The Freedom of the Hills (ika-ika-7 (na) edisyon). Seattle: The Mountaineers. ISBN 0-89886-828-9.
{{cite book}}
: Check date values in:|year=
(tulong)CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link) - ↑ Lexilogos
- ↑ "UIAA Activities". UIAA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-11. Nakuha noong 2013-04-28
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link) Naka-arkibo 2011-05-11 sa Wayback Machine.