Anyong lupa
Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.
Mga uri ng anyong lupa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:
- Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Isang halimbawa nito ay ang kapatagan ng gitnang Luzon.
- Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. Ang halimbawa nito ay ang Bundok Banahaw.
- Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
- Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
- Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
- Talampas — patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang mataas na lugar.
- Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
- Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
- Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
- Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
- Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig. Ang isang halimbawa ng tangway ay ang Tangway ng Zamboanga.
- Tangos — mas maliit sa tangway.
- Disyerto — mainit na anyong lupa.
- Kapuluan — mga grupo ng malalaki at maliliit na pulo na napapaligiran ng katubigan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.