Pumunta sa nilalaman

Ilang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Disyerto)
Ang ilang.
Ang Atacama.

Sa heograpiya, ang isang ilang, ulog, desyerto, disyerto, [1] ay isang anyo ng tanawin na hindi gaanong nauulanan. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar na nakakatanggap ng pag-ulan na mas bababa sa 250 mm (10 dali).

Kilala ang mga ilang sa nakapaliit na pagsuporta sa buhay. Maaring totoo ito kumpara sa mga mas basa na pook, bagaman kadalasang may mataas na biyodibersidad ang ilang, kabilang ang mga hayop na nananatiling tago (lalo na kung may araw) upang mapangalagaan ang pagkabasa. Mga 20% ng lupain sa Daigdig ay binubuo ng ilang.

May mga ilang katangian ang mga ilang. Kadalasang binubuo ito ng mga buhangin at mabatong ibabaw. Binubuo din ang maliit na bahagi nito ng mga buhanging duna na tinatawag na erg at mabatong ibabaw (hamada). Karaniwan ang paglabas ng mga mabatong mga lupain, na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaring patag na natatakluban ng asin ang mga ilalim ng lupain. May katulad na katangian ang mga malamig na ilang ngunit niyebe ang pangunahing anyo ng presipitasyon sa halip na ulan. Ang Antartika ang pinakamalaking malamig na ilang (Mga 98% ang binubuong makakapal na kontinental na sapin ng yelo at 2% naman ang binubuo ng mga nakalitaw na mga bato). Ang Sahara ang pinakamalaking ilang na mainit. Ang Pandaigdigang Araw Laban sa Desertipikasyon at Tuyo ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing ika-17 ng Hunyo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Desert, disyerto, ilang, ulog - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.