Pamumula ng mukha
Ang pamumula ng mukha ay ang kalagayan ng pamumula, maaari ring may pamumutla, na matatanaw at mapapansin sa mukha ng tao na dulot ng pagkapahiya, kagitlaanan, pagkabigla, kawalan ng kayabangan, o maging ng dahil sa pag-ibig. Isa itong pisyolohikong katangian ng katawan ng tao na maaaring maging sanhi ng pagkakanulo o pagkalantad ng damdamin ng isang tao hinggil sa ibang tao, sa isang paksa, o sa anumang bagay.[1][2] May pamumula rin ng mukha na dahil sa pagkagalit o kaya dahil sa pag-inom ng alak o anumang nakalalasing na inumin o gamot. Mayroon ding pamumula ng mga pisngi. Kaiba ang pamumula ng mukha sa pamumula ng buong katawan ng tao.
Ayon kay Charles Darwin, isang pinakanatatangi o kakatwa't kakaibang pagpapakita ng damdamin ang pamumula ng mukha. Idinagdag pa niya isa ito sa mga pinakapantaong ekspresyong naipapakita o nailalantad ng tao.[3]
Sanhing pisyolohikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagaganap ang bugsuang pamumula ng mukha dahil sa paglapad ng mga daluyan ng dugo ng balat na sinasanhi ng sistemang nerbiyos sa loob ng partikular na mga kalagayang mental o katayuan ng isipan.[3]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mas malimit na maganap at nakababahala ang pamumula ng mukha sa panahon ng pubertad, ang panahon ng pagbibinata o pagdadalaga, ng isang tao. Gayundin sa panahon ng pagkakaroon ng pagbabago sa buhay ng isang babae. Maaaring nalalaman at inaalintana ito ng taong nagkakaroon ng palagiang pamumula ng mukha.[3]
Nakaradarama ng pagkaalangan o naiilang ang isang lalaki kapag namumula ang kanyang mukha. Sa mga kababaihan, itinuturing ito bilang isang kaakit-akit na katangian.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Blushing - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Blushing, flushing". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa blushing Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. at flushing Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.. - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Robinson, Victor, pat. (1939). "Blushing, flushing of the face". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 116.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.