Pumunta sa nilalaman

Rehiyong pseudoautosomal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Detalye ng isang pagkalat na metaphase ng tao. Ang rehiyon sa rehiyong pseudoautosomal ng mga maikling braso ng kromosomang X(kaliwa) at kromosomang Y(ibabaw na kanan) ay natukoy ng fluorescent in situ hybridization (berde). Ang mga kromsoma ay kinontra-mantsa sa pula.

Ang mga rehiyong pseudoautosomal (Ingles: pseudoautosomal region, PAR1 at PAR2)[1] ang mga homolohiyang sekwensiya sa Kromosomang X at Kromosomang Y. Ang mga rehiyong pseudoautosomal ay binigyang pangalang ganito dahil ang anumang mga gene na matatagpuan sa loob ng mga ito (na hindi bababa sa 29 ang natagpuan sa kasalukuyan)[2] ay minamana(inherited) katulad ng anumang mga gene na autosomal. Ang PAR1 ay binubuo ng 2.6 Mbp ng mga dulo ng maikling-braso ng parehong kromsomang X at kromosomang Y sa mga tao at iba pang mga ape (Ang X at Y ay 155 Mbp at 59 Mbp sa kabuuan). Ang PAR2 ay matatagpuan sa mga dulo ng mga mahabang braso na sumasaklaw sa 320 kbp.[1]

Pagmaman at tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga normal na lalakeng mamalya ay may dalawang mga kopya ng mga gene na ito na ang isa ay nasa rehiyong pseudoautosomal ng kromosomang Y ng mga ito at ang isa sa kaparehong sa kromosomang X ng mga ito. Ang mga normal na babae ay nagtataglay rin ng dalawang mga kopya ng mga gene na pseudoautosomal dahil sa ang isa sa dalawang mga kromosomang X ng mga ito ay naglalaman ng isang rehiyong pseudoautosomal. Ang kromosomal na pagtawid sa pagita ng mga kromosomang X at kromosomang Y ay normal na nirerestriktohan sa mga rehiyong pseudoautosomal kaya ang mga gene na pseudoautosomal ay nagpapakita ng autosomal kesa sa nauugnay sa kasariang paterno(pattern) ng pagmamana. Kaya ang mga babae ay maaaring magmana ng isang allele na orihinal na umiiral sa kromosomang Y ng kanilang ama at ang mga lalake ay maaaring magmana ng allele na orihinal na umiiral sa kromosomang X ng kanilang ama. Ang tungkulin ng mga rehiyong pseudoautosomal na ito ay pumapapayag ang mga ito na ang kromosomang X at kromosomang Y ay magpares at angkop na maghiwalay habang nangyayari ang meiosis sa mga lalake.[3]

Ang mga gene na pseudoautosomal ay matatagpuan sa dalawang magkaibang mga lokasyon: ang PAR1 at PAR2. Ang mga ito ay pinaniniwalaang nag-ebolb ng independiyente. [4]

Sa mga daga, ang ilang mga gene na PAR1 ay lumipat sa mga autosoma. [5]

Ang pagpapares (synapsis) ng kromosomang X at kromosomang Y at pagtawid(henetikong muling pagsasama) sa pagitan ng mga rehiyong pseudoautosomal nito ay lumilitaw na kailangan para sa normal na pagpapatuloy ng meiosis ng lalake. Kaya ang mga selula kung saan ang muling pagsasama ng kromosomang X at Y ay hindi nangyari ay mabibigong kumumpleto ng meiosis. Ang istraktural at/o henetikong hindi pagkakatulad (sanhi ng hybridisasyon ng asidong nucleic o mutasyon) sa pagitan ng mga rehiyong pseudoautosomal ng mga kromosomang X at Y ay maaaring makasira ng pagpapares at muling pagsasama at dahil dito ay nagsasanhi ng pagkabaog sa lalake.

Ang SHOX gene sa rehiyong PAR1 ang gene na pinakakaraniwang inuugnay at labis na nauunawaan ukol sa mga diperensiya sa mga tao,[7] ngunit ang lahat ng mga gene na pseudoautosomal ay nakakatakas sa inaktibasyon ng X at kaya ay mga kandidato sa pagkakaroon ng mga epektong dosis ng gene sa kromosomang kasariang mga kondisyong aneuploidy(45,X, 47,XXX, 47,XXY, 47,XYY, etc.).

Ang mga pagkabura ay nauugnay rin sa Léri-Weill dyschondrosteosis[8] at Depormidad ni Madelung.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Helena Mangs A, Morris BJ (2007). "The Human Pseudoautosomal Region (PAR): Origin, Function and Future". Curr. Genomics. 8 (2): 129–36. doi:10.2174/138920207780368141. PMC 2435358. PMID 18660847. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Blaschke RJ, Rappold G (2006). "The pseudoautosomal regions, SHOX and disease". Curr Opin Genet Dev. 16 (3): 233–9. doi:10.1016/j.gde.2006.04.004. PMID 16650979.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Ciccodicola A, D'Esposito M, Esposito T; atbp. (2000). "Differentially regulated and evolved genes in the fully sequenced Xq/Yq pseudoautosomal region". Hum. Mol. Genet. 9 (3): 395–401. doi:10.1093/hmg/9.3.395. PMID 10655549. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Charchar FJ, Svartman M, El-Mogharbel N; atbp. (2003). "Complex events in the evolution of the human pseudoautosomal region 2 (PAR2)". Genome Res. 13 (2): 281–6. doi:10.1101/gr.390503. PMC 420362. PMID 12566406. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Levy MA, Fernandes AD, Tremblay DC, Seah C, Bérubé NG (2008). "The SWI/SNF protein ATRX co-regulates pseudoautosomal genes that have translocated to autosomes in the mouse genome". BMC Genomics. 9: 468. doi:10.1186/1471-2164-9-468. PMC 2577121. PMID 18842153.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. "WASH6P". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-10-24. Nakuha noong 2009-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Blaschke RJ, Rappold G (2006). "The pseudoautosomal regions, SHOX and disease". Curr. Opin. Genet. Dev. 16 (3): 233–9. doi:10.1016/j.gde.2006.04.004. PMID 16650979. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Benito-Sanz S, Thomas NS, Huber C; atbp. (2005). "A novel class of Pseudoautosomal region 1 deletions downstream of SHOX is associated with Leri-Weill dyschondrosteosis". Am. J. Hum. Genet. 77 (4): 533–44. doi:10.1086/449313. PMC 1275603. PMID 16175500. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)