Pumunta sa nilalaman

Relihiyong Proto-Indo-Iraniano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang relihiyong Proto-Indo-Iranian ang relihiyon ng mga Indo-Iranian bago ang pinakamaagang mga kasulatang relihiyoso na Vediko(Indo-Aryan) at Zoroastrian (Iraniko). Ang mga ito ay nagsasalo ng karaniwang pagmamana ng mga konsepto kabilang ang unibersal na pwersang T *rta (Vedic rta, Avestan asha), ang sagradong halaman at inuming *sauma (Vedic Soma, Avestan Haoma) at mga diyos ng panlipunang kaayusan gaya ng *mitra (Vedic Mitra, Avestan at Lumang Persian Mithra, Miϑra), *bhaga (Vedic Bhaga, Avestan at Lumang Persian Baga). Ang relihiyong Proto-Indo-Iranian ay isang sinaunang supling ng relihiyong Indo-Europeo. Ang mga Relihiyong Proto-Indo-Iranian ang pinakamalamang na pinagmulan ng lahat ng mga monoteistikong relihiyon ngayon. Ang relihiyong Proto-Indo-Iranian ay pinaniniwalang nakaimpluwensiya sa Zoroastrianismo at relihiyong Vediko. Ang parehong Zoroastrianismo at relihiyong Vediko ay nagsasalo ng mga elemento. Ang Zoroastrianismo ay nakaimpluwensiya naman sa Hudaismo at kalaunan ay sa Kristiyanismo at Islam. Ang relihiyong Vediko ay nakaimpluwensiya, naghugis at nagebolb sa Hinduismo na kalaunang tumungo sa Budismo.

Mga kognatong terminong konsepto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod an gisang talaan ng mga terminong kognato na matitipon mula sa paghahambing na analysis na linguistiko ng Rigveda at Avesta. Ang parehong mga kalipunan ay mula sa panahon pagkatapos ng iminungkahing panahon ng paghihiwalay(ca. 2000 BCE) ng mga Proto-Indo-Iranian sa kanilang mga respektibong sangay na Indic Iranian.

Indo-Iranian terminong Vedas terminong Avestan Karaniwang kahulugan
*ap āp āp "tubig," āpas "ang Mga Katubigan"
  Apam Napat, Apām Napāt Apām Napāt ang "mga supling ng tubig"
*aryaman aryaman airyaman "Arya-hood" (lit:** "kasapi ng pamayanang Arya")
*rta rta asha/arta "aktibong katotohanan", na lumalawig sa "kaayusan" at "katwiran"
*athar-van- atharvan āϑrauuan "saserdote o pari"
*azi ahi azhi, (aži) "dragon, ahas", "serpente"
*daiva deva daeva, (daēuua) isang klase ng mga diyos
*manu manu manu "tao"
*mi-tra- mitra mithra, miϑra "sumpa, tipan"
*asura asura ahura isang klase ng mga anti-diyos
*sarvatāt sarvatat Hauruuatāt "pagiging buo", "perpeksiyon"
*saras-vnt-ih Sarasvatī Haraxvaitī (Ārəduuī Sūrā Anāhitā) isang kontrobersiyal (pangkalahatang itinuturing na mitolohika) na ilog, isang diyosa ng ilog
*sau-ma- soma haoma isang halaman, ginawang diyos
*sva(h)r- svar hvar, xvar ang Araw, isa ring kognato sa Griyegong helios, Latin sol, Engl. Sun
*vr-tra- Vrtra- verethra, vərəϑra (cf. Verethragna, Vərəϑraγna) "harang"
*yama Yama Yima anak na lalake ng diyos na araw na si Vivasvant/Vīuuahuuant
*yaj-na- yajña yasna, rel: yazata "pagsamba, handog, oblasyon"