Pumunta sa nilalaman

Ricaredo Demetillo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ricardo Demetillo
Kapanganakan2 Hunyo 1920
Kamatayan1998
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasang Silliman
Trabahomakatà

Si Ricaredo Demetillo ay isa sa mahuhusay at nakikilalang makata sa wikang Ingles pagkatapos ng digmaan.

Nag-aaral pa lamang siya sa Unibersidad ng Pilipinas at Siliman University ay kinilala na siya bilang pambihirang makata.

Ang kanyang mga piling tula ay natitipon sa No Certain Weather, La Via, Daedalus and Poems, Barter in Panay, at The Authentic Voice of Poetry. Ang kanyang No Certain Weather ay katatagpuan ng kanyang mga sonetong nasulat. Sa Daedalus and Other Poems ay matatapuan ang kanyang mga huling tulang sinulat.

Ang La Via ay katipunan ng mga tulang nagsasaad ng ispiritwal na paglalakbay ng tao sa lupa. Ang Barter in Panay ay isang epiko tungkol sa pagdating dito sa Pilipinas ng labing isang datung taga-Borneo na bumili ng Panay.

Ang Authentic Voice of Poetry ay tungkol naman sa kanyang konsepto sa kagandahan at ang kanyang ginawang panunuri sa makabagong panulat.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.