Robin Williams
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (walang petsa)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Robin Williams | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Hulyo 1951[1] |
Kamatayan | 11 Agosto 2014[3]
|
Libingan | Dalampasigan ng San Francisco |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Juilliard School |
Trabaho | artista sa telebisyon, artista sa pelikula, artista,[5] komedyante, prodyuser ng pelikula,[6] screenwriter, audio book narrator, artista sa teatro, tagapagboses |
Anak | Zelda Williams[7] |
Robin McLaurin Williams (Hulyo 21, 1951 – Agosto 11, 2014) ay isang komedyante, aktor, prodyuser ng pelikula, at tagasulat ng senaryo na mula sa Estados Unidos.
Nakilala sa pagganap bilang ang Mork sa seryeng pantelebisyon na Mork & Mindy (1978–82), naitatag ni Williams ang isang matagumpay na karera sa parehong komedyante sa entablado (stand-up comedian) at pag-arte sa pelikula. Kabilang sa mga ito ang mga pinagbubunying pelikula na The World According to Garp (1982), Good Morning, Vietnam (1987), Dead Poets Society (1989), Awakenings (1990), The Fisher King (1991), at Good Will Hunting (1997), gayun din ang mga pelikulang tumabo sa takilya katulad ng Popeye (1980), Hook (1991), Aladdin (1992), Mrs. Doubtfire (1993), Jumanji (1995), The Birdcage (1996), Night at the Museum (2006), and Happy Feet (2006). Lumabas din siya sa bidyo ng awiting "Don't Worry, Be Happy" ni Bobby McFerrin.
Nanomina siya ng tatlong beses sa Academy Award para Pinakamagaling na Aktor, natanggap ni Williams ang Academy Award para sa Pinakamagaling na Pang-suportang Aktor para kanyang pagganap sa Good Will Hunting. Nakatanggap din siya ng dalawang Emmy Award, apat na Golden Globe Award, dalawang Screen Actors Guild Award at limang Grammy Award.[8][9]
Noong Agosto 11, 2014, natagpuan si Williams na di tumutugon sa kanyang tahanan sa Paradise Cay, California at idineklarang namatay sa tagpong iyon. Sang-ayon sa Tanggapan ng Sheriff ng Marin County, nagbigti siya at namatay dahil sa asphyxiation.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Robin Williams"; hinango: 14 Oktubre 2015.
- ↑ "Robin Williams found dead in California home" (sa wikang Ingles). The Guardian. 12 Agosto 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.bbc.com/news/world-us-canada-28749702.
- ↑ Internet Movie Database (sa wikang Ingles), Wikidata Q37312, nakuha noong 4 Pebrero 2017
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.nytimes.com/2002/08/21/movies/film-review-that-orderly-world-of-appearances-he-lives-in-it-s-about-to-explode.html.
- ↑ http://www.nytimes.com/movies/movie/119900/Mrs-Doubtfire/details.
- ↑ http://www.theepochtimes.com/n3/868257-zelda-rae-williams-cody-alan-williams-zachary-pym-williams-who-are-robin-williams-kids-photos/.
- ↑ Thomas, Mike (Pebrero 24, 2002). "A nose for laughs". Chicago Sun-Times. Nakuha noong Disyembre 14, 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McMullen, Marion (Oktubre 5, 2002). "Article: Weekend TV: Star profile. (Features)". Coventry Evening Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong Disyembre 14, 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.