Mork & Mindy

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mork & Mindy
GumawaGarry Marshall
Batay sa
ni
DirektorGarry Marshall
Pinangungunahan ni/ninaRobin Williams,
Tom Poston,
Jay Thomas,
Jonathan Winters
Bansang pinagmulanEstados Unidos
WikaIngles
Bilang ng mga panahon4
Bilang ng mga kabanata95
Paggawa
Oras ng pagpapalabas24
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanAmerican Broadcasting Company
Unang ipinalabas saAmerican Broadcasting Company
Orihinal na pagtakbo14 Setyembre 1978 – 27 Mayo 1982

Ang Mork & Mindy ay isang palabas sa telebisyong nakakatawa mula sa Estados Unidos. Isa itong pangkatatawanang palabas na makaagham o salaysaying makaagham na sumahimpapawid mula 1978 hanggang 1982 sa American Broadcasting Company (ABC). Lumabas ang unang episodyo noong Setyembre 14, 1978 na kinabibidahan ni Robin Williams bilang Mork, isang dayuhan mula sa kalawakan na pumunta sa Daigdig. Nanggaling siya sa planetang Ork at dumating sa Daigdig na nakasakay sa isang malaking hugis itlog na sasakyang pangkalawakan. Katambal ni Williams si Pam Dawber na gumanap bilang Mindy, isang kaibigang tao ni Mork, at kasama sa silid-tulugan. Naging mag-asawa sila sa huling panahon ng palabas.


PelikulaTelebisyonEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula, Telebisyon at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.