Rodrigo
Si Rodrigo[1] (Ingles: Ruderic, Roderic, Roderik, Roderich, o Roderick, Arabe: Ludhriq, لذريق ; namatay noong 711 o 712) ay ang naging Haring Bisigotiko ng Hispania sa loob ng maiksing kapanahunan na nasa pagitan ng 710 at ng 712. Tanyag siya sa alamat bilang "ang huling hari ng mga Goth." Sa kasaysayan, siya ay talagang isang napaka may kalabuang pigura na ang patungkol sa kaniya ay kaunti lamang ang masasabi na mayroong katiyakan, maliban na lamang sa na pinamunuan niya ang isang bahagi ng Iber na ang mga kalaban niya ay namumuno sa natitira pang mga kabahagian, at na siya ay natalo at napatay ng lumusob na mga Muslim na sa paglaon ay sumakop sa kabuoan ng tangway. Ang kaniyang balo na si Egilona ay pinapaniwalaang nagpakasal kay Abd al-Aziz ibn Musa, na sa dakong huli ay namatay dahil sa asasinasyon.
Ang mga pangyayaring nasa itaas ang nagdulot na ang pangalang "Roderic" at mga hinlog nito ay nananatiling ginagamit pa rin magpa sa kasalukuyan, hindi katulad ng marami pang ibang mga pangalang Hermaniko ng kapanahunang iyon na naglaho na sa limot.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang kaniyang pangalan ay mayroong simulaing Gotiko. Ang ugat nitong Hermaniko ay Hrōþirīk(i)az.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.