Pumunta sa nilalaman

Román Basa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Roman Basa)
Román Bása
Kapanganakan
Román Bása y Esteban

Pebrero 29, 1848
Kamatayan6 Pebrero 1897(1897-02-06) (edad 48)
Maynila, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas
DahilanPagbitay sa pamamagitan ng pagbaril
Ibang pangalanLiwanag
NagtaposAkademiya sa Bapor Pangkalakalan ng Pilipinas
AsawaJosefa Inocencio
AnakCristina Luz at Lucio

Si Román Basa y Esteban (Pebrero 29, 1848 sa San Roque, Kabite – Pebrero 6, 1897 sa Bagumbayan, Maynila) ay isang Pilipinong martir, makabayan, at eskribyente. Siya ang ikalawang Pangulo o Supremo ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o ang Katipunan), isang lipunang lihim na nagpasiklab ng Himagsikang Pilipino laban sa pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas noong 1896. Tinanggap siya sa Katipunan noong Nobyembre 9, 1892 at kinuha ang pangalang Liwanag.

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Roman Basa noong Pebrero 29, 1848 sa San Roque[1] (Lungsod ng Kabite ngayon), Kabite kina Mariano Basa at Dorotea Esteban.[2] Ikaapat siyang anak sa anim na magkakapatid. Ang ibang kapatid ni Roman ay sina Clemente, Ciriaco, Remigia, Francisco, at Manuela.[2] Ang kanyang ama na si Mariano ay isang mangingisda,[2] at naging hukom.[3]

Kay Padre Pedro Mañalak, kapelyan ng rehimenteng Kastila, ang nagbigay kay Roman ng kanyang maagang edukasyon.[4] Nagtapos siya sa Escuela Nautiac de Manila na kilala na ngayon bilang Akademiya sa Bapor Pangkalakalan ng Pilipinas (o Philippine Merchant Marine Academy [PMMA] sa Ingles).[5] Nakapagtrabaho siya sa Comandancia General de Marina sa Maynila bilang eskribyente[6] at natamo ang ranggong oficial Segundo.[2][4] Kapag nasa Maynila siya, pumipirmi siya sa isang bahay sa Kalye Asuncion sa San Nicolas.[7]

Asawa at anak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napangasawa ni Roman Basa si Josefa Inocencio na pinsan si Maximo Inocencio, ang isa sa labintatlong martir ng Kabite.[8] Nagkaroon sina Roman at Josefa ng dalawang anak, sina Cristina Luz at Lucio.[4] Sa paglaon, pinalitan ni Lucio ang apelyido niya sa Torres.[2]

Pagiging Katipunero

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakilala niya ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o ang Katipunan) sa pamamagitan ni Ladislao Diwa, isang mag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) at kasamang nangangasera sa Kalye Asuncion na malapit sa UST.[7][2] Si Ladislao, na kababayan ni Roman dahil pareho silang ipinanganak sa San Roque,[9] ay isa sa mga nagtatag ng Katipunan, at pinasok niya si Roman noong Nobyembre 9, 1892.[10] Kinuha ni Roman ang bansag na Liwanag.[11][12]

Nakapasok sa Katipunan si Roman sa pamamagitan ng kaparaanang triangulo (o tatsulok) kung saan kumukuha ang isang kasapi ng dalawang pang kasapi na binubuo ng isang tatsulok.[13] Ginagawa ito upang manitiling lihim ang organisasyon.[14] Ang orihinal na tatsulok ay sina Andres Bonifacio, Teodoro Plata at Ladislao Diwa, ang mga tagapagtatag ng Katipunan.[15] Nasa tatsulok ni Ladislao sina Roman Basa at Teodoro Gonzalez na isang abogado.[16][7] Sa teoriya, maaring hindi magkakilala ang nasa tatsulok at hindi nila kilala ang kasapi ng ibang tatsulok.[17]

Umalis si Roman, na malapit nang magretiro, sa kanyang trabaho nang sumiklab ang himagsikan noong 1896.[2] Noong 1893, nagtulungan sila ni Ladislao upang iorganisa ang Katipunan sa Kabite.[6][14] Noong 1894, itinatag din nila Roman at Ladislao ang Unang de Langes ng Katipunan.[6]

Pagiging Supremo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Pebrero 1, 1893, nailuklok si Roman Basa bilang ikalawang Pangulo o Supremo ng Katipunan dahil sinabi ni Andres Bonifacio na mahiyain at duwag si Deodato Arellano, ang unang Supremo ng Katipunan.[18] Sa panahon ng pagiging Supremo ni Roman, nabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na sumali sa Katipunan[6] at ang unang mga kasaping babae ay sina Gregoria de Jesus (asawa ni Bonifacio), Josefa Rizal (kapatid ni Jose Rizal), Marina Dizon at Angelica Lopez.[19] Nang ikinasal si Marina kay Jose Turiano Santiago, naging ninong si Roman sa kanilang kasal.[7]

Napatalsik din si Roman bilang Supremo noong isang pagpupulong ipinatawag ni Bonifacio dahil napagtanto ni Bonifacio na hindi rin epektibo si Roman tulad ni Deodato.[20] Naging Supremo si Bonifacio pagkatapos manungkulan ni Roman.[21] Mayroon nang hindi pagkakasunduan sina Bonifacio at Roman bago pa siya napatalsik.[17] Nakuwestiyon si Bonifacio sa pagpapautang ng salapi ng Katipunan na may interes sa isang pagpulong ipinatawag ni Roman.[17] Hindi rin sila magkasundo sa paraan ng pag-anib ng mga kasapi ng Katipunan.[2] Dagdag pa dito, ayaw ni Roman sa nais ni Bonifacio na maging pormal na kasapi ang kanyang anak na si Lucio na tagadala ng dokumento ng Katipunan dahil napakabata pa nito.[2]

Sa karamihan ng bersyon ng kuwento sa iba't ibang sanggunian, isang beses lamang naging Supremo si Roman.[17] Subalit, ayon kay Tomas Remigio, na ang nagreklamo sa pagpapautang ni Bonifacio, sinabi sa kanya ni Roman na pinalitan niya si Bonifacio.[17] Kung gayon, maaring naging dalawang beses naging Supremo si Roman kung tama ang pagkakaalala ni Tomas.[17]

Kung ikukunsidera ang rekoleksyon ni Tomas,[17] ang pagkasunod-sunod ng paghalili ng posisyon Supremo ay ang sumusunod:

  • Deadato Arellano – mula Oktubre 1892 hanggang Pebrero 1893
  • Roman Basa – mula Pebrero 1893 hanggang mga Disyembre 1893
  • Andres Bonifacio – mula mga Disyembre 1893 hanggang mga Hulyo 1894
  • Roman Basa – mga Hulyo 1894 hanggang Disyembre 1894
  • Andres Bonifacio – Disyembre 1894 hanggang Mayo 1897

Gawain sa labas ng Katipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang hindi na Supremo si Roman, hindi na siya naging interasado sa mga sensitibong puwesto dahil sa pananaw niya sa KKK at hindi nila pagkakasundo ni Bonifacio subalit nanatili siyang tapat sa Katipunan.[2][14] Bagaman may hindi pagkakaunawaan sina Roman at Bonifacio at nagpalitan pa sila ng insulto,[17] dumalo si Roman sa kasal nina Bonifacio at Gregoria noong 1893.[22][23][a]

Pamamahagi ng kontrabandong kopya ng La Solidaridad at mga nobela ni Jose Rizal
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bukod sa pagiging Katipunero, nakipagsabwatan siya kay Eulogio Santiago, isang makanista ng bangkang Don Juan na madalas na naglalayag mula Hong Kong hanggang Maynila, upang kunin ang kontrabadong sipi ng La Solidaridad at mga nobela ni Jose Rizal na galing kay Jose Ma. Basa (hindi tiyak kung kamag-anak siya ni Roman), isang negosyanteng napatapon sa Marianas dahil sa Pag-aaklas sa Kabite ng 1872.[25] Nanatili si Jose Ma. Basa sa Marianas ng dalawang taon bago mapunta ng Hong Kong kung saan dito niya ginawa ang mga gawaing pagkontrabado ng mga materyal na polyetong pagpapalaganap.[26] Pagkatapos tanggapin ni Roman ang mga kontrabando, ipapamahagi naman niya ito sa mga katabing mga lalawigan.[25]

Pagiging miyembro ng La Liga Filipina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa rin si Roman sa mga kasapi ng isa pang lihim na organisasyon, ang La Liga Filipina,[7] na itinatag ni Jose Rizal para sa kilusang reporma ng pagtrato ng mga Kastila sa mga katutubong Pilipino.[27] Kinuha ni Roman ang pangalang Baesa Bata subalit hindi tiyak kung ito nga ang bansag niya sa La Liga Filipina.[7]

Huling mga araw at kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang nabunyag ang lihim na organisasyong Katipunan noong Hulyo 1896, naaresto at nakulong si Basa sa kasong sedisyon at pagtataksil noong Setyembre 1896.[3][28] Pagkatapos mahatulan ng isang korteng militar, binitay siya sa pamamagitan ng pagbabaril sa kanya noong Pebrero 6, 1897 sa Bagumbayan[29][30] (na Liwasang Luneta na ngayon[31]). Kasama niyang binitay sina Apolonio de la Cruz, Teodoro Plata, Vicente Molina, Hermenegildo de los Reyes, José Trinidad, Pedro Nicodemus, Feliciano del Rosario, Gervasio Samson at Doroteo Domínguez.[28]

  1. Sa ibang sanggunian, ang kasal nina Andress Bonifacio at Gregoria de Jesus ay noong 1892[24] sa parehong ritong Romano Katoliko at Katipunan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quirino, Carlos (1995). Who's who in Philippine History (sa wikang Ingles). Tahanan Books. ISBN 978-971-630-046-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 Manuel, E. Arsenio (1955). Dictionary of Philippine Biography (sa wikang Ingles). Filipiniana Publications.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Calairo, Emmanuel Franco (1999). Liping Kabitenyo: talambuhay ng mga kilala at di-kilalang Kabitenyo. Cavite Studies Center, Unibersidad ng de La Salle. ISBN 978-971-92082-2-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Calairo, Emmanuel Franco (1996). Mga anak ng Tangway sa rebolusyong Pilipino. Lunsod ng Kabite. ISBN 978-971-91739-0-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Torib, Yashika F. (2019-10-09). "PMMA prepares for 200th founding anniversary in 2020". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Karganilla, Bernard LM. "1896" (PDF). nhcp.gov.ph. Publication Program, Informatioon, Publication and Public Affairs Office, Universidad ng Pilipinas Manila. ISBN 9718982035.
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 "Katipunan - Table I - Katipunan activists in Manila, 1892-96". www.kasaysayan-kkk.info. Nakuha noong 2023-11-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Valdez, Carlos Ronquillo y (1996). Ilang talata tungkol sa paghihimagsik (revolucion) nang 1896-97. University of the Philippines Press. ISBN 978-971-542-128-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Ladislao Diwa was born in San Roque, Cavite June 27, 1863". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2013-03-22. Nakuha noong 2023-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Ramon Basa was initiated into the Katipunan November 9, 1892". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2012-11-06. Nakuha noong 2023-11-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Unabia, Teresita P. (1997). Cavite's Historical Calendar (sa wikang Ingles). De La Salle University. p. 16.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Philippines, Philippines Unesco National Commission of the (1965). Philippine Pseudonyms, Aliases, Pen Names, Pet Names, Screen Names and Name Aberrations (sa wikang Ingles). Unesco National Commission of the Philippines.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. The Filipino Moving Onward 5' 2007 Ed (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. ISBN 978-971-23-4154-0.
  14. 14.0 14.1 14.2 Agoncillo, Teodoro A. (1990). History of the Filipino People (sa wikang Ingles). Garotech Publishing. ISBN 978-971-8711-06-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Zaide, Gregorio F. (1968). The Philippine Revolution (sa wikang Ingles). Modern Book Company.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Filipinos in History" (PDF). dfa.gov.ph (sa wikang Ingles). National Historical Institute. 1989. ISBN 9789711360375. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-05-18. Nakuha noong 2023-11-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 17.4 17.5 17.6 17.7 "Katipunan - Part II: 1892-1895". www.kasaysayan-kkk.info. Nakuha noong 2023-11-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "The Founding of the Katipunan | Presidential Museum and Library" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-20. Nakuha noong 2022-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Palafox, Quennie Ann J. (2011-06-12). "Lest we forget our unsung founding mothers". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Halili, M. c (2004). Philippine History (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. ISBN 978-971-23-3934-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Founders of the Katipunan". Philippine Center for Masonic Studies (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Gregoria de Jesus – Bahay Nakpil-Bautista" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Ventura, Sylvia Mendez (2001). Supremo: The Story of Andres Bonifacio (sa wikang Ingles). Tahanan Books for Young Readers. ISBN 978-971-630-091-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Andres Bonifacio and the Katipunan". National Historical Commission of the Philippines (sa wikang Ingles). 2012-09-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-27. Nakuha noong 2022-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 "Jose Ma. Basa was born in Binondo, Manila December 19, 1839". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2011-12-19. Nakuha noong 2023-11-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Doyo, Ma Ceres P. (2012-06-12). "Jose Ma. Basa: Hero-smuggler of Propaganda Movement". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "July 3, 1892, Dr. Jose Rizal founded the La Liga Filipina". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2011-11-08. Nakuha noong 2023-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 28.0 28.1 "Events of February 1897". National Historical Commission of the Philippines (sa wikang Ingles). 2012-09-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-13. Nakuha noong 2022-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Valenzuela, Arturo E. (1992). Dr. Pio Valenzuela and the Katipunan (sa wikang Ingles). National Historical Institute. p. 24. ISBN 978-971-538-030-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Philippine Graphic Centennial Yearbook: 100 Years of Independence (sa wikang Ingles). Weekly Graphic Magazine. 1998.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Castro, Alex (2017-12-21). "This Is a Luneta That You Haven't Seen Before". spot.ph. Nakuha noong 2023-11-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)