Rosalio Imperial
Rosalio Imperial | |
|---|---|
| Kapanganakan | 4 Setyembre 1902 |
| Kamatayan | 20 Pebrero 1978 (edad 75) |
Si Rosalio "Sali" Roya Imperial, Sr. (Setyembre 4, 1902 – Pebrero 20, 1978) ay isang edukador, manunulat, lingguwista, at politiko mula sa rehiyong Bikol. Kinikilala siya bilang isa sa mga pangunahing tagapag-ambag sa panitikan at pag-unlad ng wikang Bikol. Bukod sa pagiging tagapagturo, naging alkalde din siya ng Naga bago ang panahon ng pananakop ng mga Hapones at muling itinalagang alkalde ng Naga noong 1945, at nanungkulan hanggang 1946.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang yugto ng buhay at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Rosalio Imperial Sr. sa Pili, Camarines Sur noong Setyembre 4, 1902, kina Epifanio Imperial (ama) tubong Ligao, Albay, at Batazara V. Roya (ina) tubong Libmanan, Camarines Sur.[1][2] Nang anim na taong gulang siya, lumipat ang kanilang pamilya sa Naga, kung saan siya lumaki at nag-aral. Noong una, pumasok siya sa seminaryo sa Naga, subalit nang naglaon, lumipat sa pampublikong paaralan. Natapos niya ang elementarya at sekundarya sa rehiyon ng Bikol.
Nag-aral si Imperial ng abogasya, subalit hindi niya natapos ang kurso, nakarating lamang hanggang ikatlong taon. Sa kolehiyo, naging pangunahin (major) niya ang Ingles, Panitikan, at Komposisyon, at kumuha rin ng mga kurso sa Pamamahayag.
Noong 1920, nagsimula siyang magturo sa mga paaralan sa Camarines Norte at Camarines Sur, kabilang ang Mababang Paaralan ng Daet, Mababang Paaralan ng Labo, at Mababang Paaralan ng Indan (Vinzons). Noong 1927, bumalik siya sa Naga upang tumulong sa pagtatatag ng Akademyang Katoliko ng Camarines Sur, isang institusyong kalaunan ay naging bahagi ng Pamantasang Ateneo de Naga. Dito siya nagsilbi bilang punong-guro at rehistrar.
Karera sa panitikan at lingguwistika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Imperial ay isang manunulat na maraming naisulat[3] sa wikang Bikol at Kastila, at nagsulat din sa Ingles at Tagalog. Ang kaniyang mga akda ay sumasaklaw sa iba't ibang anyo ng panitikan:
- sarsuwela, drama, rukit-rawit (tulang Bikol), at osipon (maikling kuwento)
- pagsasalin ng mga klasikong Kanluraning akda sa wikang Bikol, kabilang ang mga korido at salin mula sa Kastila[4][5]
- pagsasalin sa wikang Bikol ng mga nobela ni José Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo
- mga akdang lingguwistiko tulad ng Bikol dictionary, Bikol grammar, at mga gabay sa talasalitaan, kasingkahulugan at kasalungat, mga idyoma, at mga aklat sa pag-uusap sa Bikol–Ingles–Espanyol
Dahil sa lawak ng kaniyang ambag, kinikilala siya bilang isa sa mga haligi ng modernong panitikang Bikolano.
Bilang isang manunulat at lingguwista, nagsilbi siya bilang patnugot ng mga lokal na pahayagang Bicolandia, Bugkos at Bicol Independent, maging tagapag-ambag na patnugot ng publikasyong Sanghiran nin Bikol.[6]
Karera sa politika
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Noong 1931, habang nagsisilbi bilang punong-guro sa Akademyang Katoliko ng Camarines Sur, tumakbo si Imperial at nanalo bilang pangalawang-pangulo ng munisipalidad ng Naga. Noong 1935, umalis si Imperial bilang punong-guro upang isabak ang sarili sa larangan ng politika. Noong 1936, nagtrabaho siya sa Buro de Planta y Industria, subalit nagbitiw siya noong 1940 para tumakbo bilang alkalde ng Naga, Camarines Sur. Nanalo siya sa halalan at nanumpa bilang alkalde noong Enero 1, 1941.
Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas, pansamantalang nagbitiw siya sa puwesto. Matapos bumalik ang mga Amerikano sa Naga noong Mayo 7, 1945, muling itinalaga si Imperial bilang alkalde ng Naga ng noo'y Pangulo Manuel A. Roxas, at nanilbihan siya hanggang Hunyo 1946.[1][2][8]
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang napangasawa niya ay si Felicidad Neri (namatay noon Oktobre 1, 1970) ng Basud, Camarines Norte. Nagkaroon sila ng limang anak na sina Rogelio, Rosalio, Jr., Epifanio, Natividad, at Emeterio.
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga nobela / osipon o maikling kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Principe Wilfredo asin An Sirang Bulawan
- Haxeng Arthur asin An Mesa Redonda
- Princesa Florenda asin An Pitong Mongan
- Don Juan del Mundo de la Austria
- Principe Amed Al Camel
- Jose Vendido
- Tablante de Ricamonte
- Cabayong Tabla
- Blandino Villafranca
- Don Juan Tiñoso
- Siete Infantes de Lara
- Macetas na Adelfa
- Celia asin Balagtas
- Rodrigo de Villas
- Principe Ludovico
- Principe Durante
- Princesa Cloriana
- Princesa Florenia
- Maria Alimango
- Bernardo Carpio
- Princesa Marina
- Blanca Nieves
- Aladino
- Trabiata Trobador
- Mag Amang Pobre
- Guillermito
- Vicente Antonio
- Doce Pares
- Felizardo
Panrelihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Milagro asin Buhay ni San Vicente Ferrer
- Milagro asin Buhay ni Nstra. Sra. de Peñafrancia
- Milagro asin Buhay ni Nstra. Sra. de Salvacion
- Pasion Flos Santorum
- Martir del Golgota
- Tronco del Mundo
- Ten Commandments (Bicol)
- Arca ni Noe
- Hadeng Salomon
- Padre Juan asin Beata Maria
- Mga Novena
Sari-saring akda (isinalin at iba pa)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Noli Me Tangere
- El Filibusterismo
- Primer Constitucion
- Evolucion can Bandera
- Gomburza
- Arte sa Pagbulong
- Robinson Crusoe
- Shorab asin Rostum
- Gamgam na Adarna
- Negociante sa Venice
- Tolong Muskiteros
- Les Miserables
- Conde Sa Monte Cristo
- William Tell
- Romeo asin Julieta
- Viaje Ni Simbad
- Macbeth
- Ben Hur
- Silas Marner
- Samson asin Delila
- Hamlet
- Robin Hood
- Arabian Nights
- Cinderella
Lingguwistikang obra at iba pa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Diccionariong sa lenguageng Bicol[9]
- Gramaticang Bicol
- Vocabulario, Synonym Antonym (Bicol)
- Riddles, Idioms sa Tataramon na Bicol
- Guia de Conversaciones: Bicol-English-Castila
- Mga Bayaning Filipino
- An 15 Marires Bicolano
- Rawitdawit nin Puso
- Mga Tigsik
- Cutad nin Puso
- Surat nin Pagkamoot
- How to Write Love Letters
- Agrangay nin Puso
- Cabatiran sa Pagbulang
- An Dama
- Pangaturogan asin Cahologan
- Prognostico
- Talisman
- Abecedario
- An Maromansang Buhay ni Inday asin Raha Lakatuna – isang bersong Bikol na kwento tungkol sa Inday at Rajah Lakatuna, nagpapakita ng ugnayan ng Bikol at Kabisayaan bago dumating ang mga Kastila.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 Imperial, Sr., Rogelio (1970). Rawitdawit nin Puso (sa wikang Central Bikol). Cecilio Publications. pp. Biografía can Autor.
- 1 2 "Buhay-buhay Ni Rosalio R. Imperial, Sr". pororopot (sa wikang Central Bikol). 2006-01-14. Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ General (Jr.), Luis (1972). Readings on Bikol Culture (sa wikang Ingles). University of Nueva Caceres.
- ↑ Ick, Judy Celine. "The Undiscovered Country: Shakespeare in Philippine Literatures" (PDF). Ateneo Archium. Kritika Kultura 21/22 (2013/2014). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ Realubit, Maria Lilia F. (1999). Bikol Literary History (sa wikang Ingles). Verlag nicht ermittelbar. p. 21.
- ↑ Realubit, Maria Lilia F. (1999). Bikol Literary History (sa wikang Ingles). Verlag nicht ermittelbar. p. 51.
- ↑ "How It All Began: The founding yr of Funeraria Imperial, Incorporated". bicolmail (sa wikang Ingles). 2025-06-28. Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "City Officials: 1945-2022". CITY OF NAGA (sa wikang Ingles). 2021-04-16. Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ Imperial, Rosalio R. (1975). Diccionario sa lenguageng Bicol (sa wikang Central Bikol). Cecilio Publications.
- ↑ "Bicol Legend: Inday and Rajah Lakatuna". Prehispanic CEBU (sa wikang Ingles). 2021-07-14. Nakuha noong 2025-11-10.