Pumunta sa nilalaman

Rotes Rathaus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rotes Rathaus
Rotes Rathaus (Pulang Munisipyo) ng Berlin
Rotes Rathaus is located in Central Berlin
Rotes Rathaus
Lokasyon sa Sentrong Berlin
General information
Tipo Munisipyo/Bulwagang panlungsod
Estilo ng arkitektura Neorenasimyento
Kinaroroonan Berlin, Alemanya
Mga koordenada 52°31′07″N 13°24′30″E / 52.51861°N 13.40833°E / 52.51861; 13.40833Coordinates: 52°31′07″N 13°24′30″E / 52.51861°N 13.40833°E / 52.51861; 13.40833
Simula ng pagtataya 1861
Natapos 1869
Disenyo at konstruksiyon
Arkitektro Hermann Friedrich Waesemann

Ang Rotes Rathaus (Aleman: [ˈʁoːtəs ˈʁaːtˌhaʊs], Pulang Munisipyo) ay ang munisipyo ng Berlin, na matatagpuan sa distrito ng Mitte sa Rathausstraße malapit sa Alexanderplatz. Ito ang tahanan ng Namamahalang Alkalde at ng gobyerno (ang Senado ng Berlin) ng estado ng Berlin. Ang pangalan ng tanawin na gusali ay mula sa disenyo ng façade na may pulang mga ladrilyong clinker.

Ang Rathaus ay itinayo sa pagitan ng 1861 at 1869 sa estilo ng Hilagang Italyanong Mataas na Renasimyento ni Hermann Friedrich Waesemann. Ginawa ito sa gaya ng sa Lumang Munisipyo of Thorn (ngayon at Toruń, Polonya), habang ang arkitektura ng tore ay nakapagpapaalaala sa katedral na tore ng Notre-Dame de Laon sa Pransiya. Pinalitan nito ang ilang indibidwal na mga gusali mula sa Gitnang Kapanahunan at ngayon ay sumasakop sa isang buong bloke ng lungsod.

Ang gusali ay nasira nang husto ng pambobombang Alyado sa Berlin noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinayong muli sa orihinal na mga plano sa pagitan ng 1951 at 1956. Ang Neues Stadthaus, na nakaligtas sa pambobomba at dating punong tanggapan ng munisipal na insurance pansunog ng Berlin na Feuersozietät sa Parochialstraße ay nagsilbing pansamantalang munisipyo para sa gobyerno ng lungsod matapos ng giyera para sa lahat ng sektor ng Berlin hanggang Setyembre 1948. Kasunod ng panahong iyon, ang mga nasa sektor Sobyetiko lamang ang tinitirhan nito. Ang muling itinayong Rotes Rathaus, na noon ay matatagpuan sa sektor na Sobyetiko, ay nagsilbing munisipyo ng Silangang Berlin, habang ang Rathaus Schöneberg ay ang munisipyo ng Kanlurang Berlin. Pagkatapos ng muling pag-iisang Aleman, opisyal na lumipat ang administrasyon ng muling pinag-isang Berlin sa Rotes Rathaus noong Oktubre 1, 1991.

 

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Visitor attractions in Berlin