Muling pag-iisang Aleman
Itsura
Ang muling pag-iisang Aleman (Aleman: Deutsche Wiedervereinigung) ay ang proseso noong 1990 kung saan ang Demokratikong Republikang Aleman (GDR; Aleman: Deutsche Demokratische Republik, DDR) ay naging bahagi ng Republikang Federal ng Alemanya (FRG; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, BRD) upang mabuo ang muling pinagsamang bansa ng Alemanya.
Ang pagtatapos ng proseso ng pag-iisa ay opisyal na tinutukoy bilang pagkakaisang Aleman (Deutsche Einheit), ipinagdiriwang bawat taon tuwing Oktubre 3 bilang Araw ng Pagkakaisang Aleman (Tag der deutschen Einheit).[1] Ang Silangan at Kanlurang Berlin ay muling pinagsama bilang iisang lungsod at muling naging kabesera ng nagkakaisang Alemanya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "EinigVtr – Vertrag zwischen der Bundesrepublik Deutschland und der Deutschen Demokratischen Republik über die Herstellung der Einheit Deutschlands". www.gesetze-im-internet.de (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2022-03-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)