Pumunta sa nilalaman

Jean-Jacques Rousseau

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rousseau)
Jean-Jacques Rousseau
Kapanganakan28 Hunyo 1712
  • (Canton of Geneva, Suwisa)
Kamatayan2 Hulyo 1778
  • (arrondissement of Senlis, Oise, Hauts-de-France, Metropolitan France, Pransiya)
MamamayanPransiya
Trabahopilosopo, manunulat, musicologist, nobelista, awtobiyograpo, pedagogo, naturalista, mandudula, politologo, manunulat ng sanaysay, music critic, botaniko
Pirma

Si Jean-Jacques Rousseau, (28 Hunyo 1712 – 2 Hulyo 1778) ay isang pangunahing pilosopo mula sa Ginebra, Suwisa, at pigura sa panitikan, at kompositor noong Panahon ng Paliwanag na naimpluwensiyahan ng kanyang mga pilosopiyang pampolitika ang Rebolusyong Pranses at ang pagsulong ng liberal, konserbatibo at sosyalistang teoriya. Ang kanyang mga sinulat katulad ng Confessions, Reveries of a Solitary Walker at iba pa, ang nagsimula ng makabagong awtobiograpiya at hinimok ang isang bagong tuon sa paggawa ng subdiyektibidad na namunga sa mga gawa ng ibang palaisip katulad nina Hegel at Freud. Ang kanyang nobelang Julie, ou la nouvelle Héloïse ang isa sa mga mabentang gawang kathang-isip ng ikalabing-walong daang taon at naging mahalaga sa pagsulong ng romantisismo.[1] Naging mahalaga din ang kanyang mga ambag sa musika bilang teoriko at isang kompositor. Nilibing siya Pantheon ng Paris noong 1794.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robert Darnton, The Great Cat Massacre, Kapitulo 6: Readers Respond to Rousseau: The Fabrication of Romantic Sensitivity

TalambuhaySwitzerland Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Suwisa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.