Rupiah ng Indonesia
Ang rupiah (Rp) ay ang opisyal na pananalapi ng Indonesia na nilalabas at kinokontrol ng Bangko ng Indonesia. IDR ang kodigong ISO 4217 para sa rupiah. Sa di-pormal na pananalita, ginagamit ng mga taga-Indonesia ang salitang "perak" ('pilak' sa wikang Indones) sa pagtukoy sa rupiah. Nahahati ang rupiah sa 100 sen, bagaman hindi na ginagamit ang sen at namamayani na ang mga barya at papel de bangko dahil sa pagpintog ng salapi.
Nagkaroon ang pulo ng Riau at Irian Barat (kalahati ng New Guinea na sakop ng Indonesia) ng sarili nilang uri ng rupiah noong nakaraan, ngunit naging bahagi na ito sa pambansang rupiah noong 1964 sa Riau at 1971 sa Irian Barat.
Salaping umiiral[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang kasalukuyang rupiah ay binubuo ng mga barya mula sa 50 rupiah hanggang sa 1,000 rupiah, at papel de bangko na mula 1,000 Rupiah hanggang sa 100,000 Rupiah.
Barya[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga barya ng rupiah ng Indonesia[1] | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Larawan | Halaga | Serye | Diyametro | Kapal | Bigat | Materyal | Harap | Likod | Pagkakaroon | |
Harap | Likod | |||||||||
Rp 50 | 1999 | 20 mm | 2 mm | 1.36 g | Aluminyo | Garuda Pancasila | Ibong kepodang at ang halaga ng barya | Napakababa | ||
Rp 100 | 1999 | 23 mm | 2 mm | 1.79 g | Ibong palm cockatoo at ang halaga ng barya | Mataas | ||||
Rp 200 | 2003 | 25 mm | 2.3 mm | 2.38 g | Ibong Bali Starling at halaga ng barya | |||||
Rp 500 | 1991 | 24 mm | 1.8 mm | 5.29 g | Tansong aluminyo | Bulaklak na hasmin at halaga ng barya | Mababa | |||
1997 | 1.83 mm | 5.34 g | Mataas | |||||||
2003 | 27 mm | 2.5 mm | 3.1 g | Aluminyo | Mataas | |||||
Rp 1,000 | 1993 | 26 mm | 2 mm | 8.6 g | Bi-metal, nikel at tansong aluminyo | Anahaw at ang halaga ng barya | Napakababa | |||
2010 | 24.15 mm | 1.6 mm | 4.5 g | Aserong nikelado | Garuda Pancasila at ang halaga ng barya | Angklung at Gedung Sate | Mataas |
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ Instrumen Tunai. Bankgo ng Indonesia