Pumunta sa nilalaman

Himagsikang Ruso (1917)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Russian Revolution of 1917)

Ang Himagsikang Ruso ng 1917 ay isang serye ng mga himagsikan sa Imperyong Ruso. Ang mga kaganapan sa panahong ito ang nagwasak sa awtokrasyang Tsarista at tumulong sa paglikha ng Unyong Sobyet. Ang Himagsikang Pebrero ang unang rebolusyon na naganap noong Pebrero 1917. Napalitan ang Tsar (Czar) ng pamahalaang probisyonal. Ang pangalawang rebolusyong kilala bilang Himagsikang Oktubre ay naganap sa buwan ng Oktubre noong 1917. Pinalitan ng mga Bolshevik ang pamahalaang probisyonal.

Himagsikang Pebrero

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga nagpoprotestang rebolusyonaryo noong Pebrero 1917

Sa simula ng Pebrero, nagsimula ang mga manggagawa ng Petrograd ng ilang welga at demonstrasyon. Noong Marso 7 [O.S. Pebrero 22], nagsara ang Putilov, ang pinakamalaking plantang pang-industriya sa Petrograd, dahil sa welga ng mga mangagagawa.[1] Sa sumunod na araw, naganap ang isang serye ng pagpupulong at pagtipun-tipon para sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, na unti-unting naging patitipong pampolitika at pang-ekonomika. Naorganisa ang mga demonstrasyon upang humingi ng tinapay, at sinuportahan ito ng puwersang manggagawang pang-industriya na tinuturing silang bilang dahilan ng patuloy na welga. Nagmartsa ang mga manggagawang kababaihan sa katabing pagawaan na nagdala ng higit sa 50,000 manggagawa para magwelga.[2] Sa pagpatak ng Marso 10 [O.S. Pebrero 15], halos lahat ng mga negosyong pang-industriya sa Petrograd ang nagsara, kasama ang maraming negosyong pang-komersyo at pang-serbisyo. Sumali ang mga mag-aaral, manggagawang pang-opisina, at guro sa mga kalye at mga pagpupulong pampubliko.[3]

Himagsikang Oktubre

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumunod ang Himagsikang Oktubre na sinamantala ang mga kaganap sa Himagsikang Pebrero na nauna, na nagdulot sa pagbibitiw ni Nicolas II at ang paglikha ng pamahalaang pansamantala. Kilala din ang Himagsikang Oktubre[a] bilang ang Dakilang Himagsikang Sosyalista ng Oktubre,[b] (sa Historiyagrapiyang Sobyetiko) o Kudetang Oktubre.[4] Pinamunuan ang Himagsikang ito sa Rusya ng Partidong Bolshevik ni Vladimir Lenin na naging susi sa mas malaking Himagsikang Ruso na tumagal mula 1917 hanggang 1923. Ito ang ikalawang pagbabagong rebolusyonaryo ng pamahalaan sa Rusya noong 1917. Naganap ito sa pamamagitan ng armadong paghihimagsik sa Petrograd (San Petersburgo na ngayon) noong Nobyembre 7, 1917 [O.S. October 25].

Digmaang Sibil sa Rusya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagdulot ng Digmaang Sibil sa Rusya[c] ang pagpapatalsik ng sosyo-demokratikong Pansamantalang Pamahalaang Ruso na nabuo noong Himagsikang Oktubre. Sa digmaang sibil na ito, maraming paksyon ang lumaban upang tukuyin ang politika ng Rusya sa hinaharap. Nagresulta ito sa pagbuo ng Sobyetikong Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya at sa kalaunan ang Unyong Sobyetiko sa karamihan ng teritoryo nito. Minarkahan ng katapusan nito ang katapusan ng Himagsikang Ruso, na isa mga susing kaganapan sa ika-20 dantaon.

  1. Ruso: Октябрьская революция, romanisado: Oktyabrskaya revolyutsiya, Pagbigkas sa Ruso: ɐkˈtʲabrʲskəjə rʲɪvɐˈlʲutsɨjə.
  2. Ruso: Великая Октябрьская социалистическая революция, romanisado: Velikaya Oktyabrskaya sotsialisticheskaya revolyutsiya, Pagbigkas sa Ruso: vʲɪˈlʲikəjə ɐkˈtʲabrʲskəjə sətsɨəlʲɪˈsʲtʲitɕɪskəjə rʲɪvɐˈlʲutsɨjə.
  3. Ruso: Гражданская война в России, romanisado: Grazhdanskaya voyna v Rossii

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Service, 2005. p. 32. (sa Ingles)
  2. When women set Russia ablaze, Fifth International 11 Hulyo 2007. (sa Ingles)
  3. Ėduard Nikolaevich Burdzhalov, Russia's second revolution: the February 1917 uprising in Petrograd (Indiana UP, 1987). (sa Ingles)
  4. "ЖОВТНЕВИЙ ПЕРЕВОРОТ У ПЕТРОГРАДІ 1917". Енциклопедія історії України: Т. 3: Е-Й [Encyclopedia of the history of the Ukraine, volume 3] (sa wikang Ukranyo). National Academy of Sciences of Ukraine. 2005. ISBN 978-966-00-0632-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)