Pumunta sa nilalaman

Papa Símaco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Símaco)
Saint Symmachus
Nagsimula ang pagka-Papa22 Nobyembre 498
Nagtapos ang pagka-Papa19 Hulyo 514
HinalinhanAnastasius II
KahaliliHormisdas
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanSymmachus
KapanganakanUnknown
Sardinia, Vandalic Kingdom
Yumao(514-07-19)19 Hulyo 514
Rome, Ostrogothic Kingdom
Pampapang styles
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawSaint
Pope
Benerasyon saRoman Catholic Church, Eastern Orthodox Church, Eastern Catholic Churches, Oriental Orthodox Church
Kapistahan19 July

Si Papa Símaco ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 498 CE hanggang 514 CE. Ang kanyang panunungkulan ay minarkahan ng isang malalang sisma(pagkakabahagi) tungkol sa kung sino ang lehitimong nahalal na papa ng mga mamamayan ng Roma. Siya ay ipinanganak sa Sardinia (sa pamamahala ng mga Vandal) at anak ni Fortunatus. Ayon kay Jeffrey Richards, siya ay ipinanganak na isang pagano at "marahil ay ang pinakanirangguhang tagalabas" ng lahat ng mga kapapahang Ostrogotiko na ang karamihan ay mga kasapi ng mga pamilyang aristokrata.[1] Si Simaco ay binautismuhan sa Roma kung saan ay naging isa siyang arkodeakono sa ilalim ni Papa Anastasio II. Si Simaco ay nahalal na papa noong 22 Nobyembre 498 CE sa Constantinian basilica. Ang arkosaserdote ng Santa Prassede na si Laurentius ay nahalal na papa sa parehong araw sa gusali ng Santa Maria ng isang sumasalungat na maliit na paksiyon na may mga simpatiyang Bizantino na sinuportahan ni Anastasio I. Ang parehong paksiyon ay pumayag na payagan ang haring Gotiko na si Theodoic the Great na mamagitan. Si Theodoric ay nagpasya na ang isa na unang nahalal at may maraming mga tagasuporta ang dapat kilalaning papa.[2] Gayunpaman, ayon sa isang sinaunang dokumento na kilala bilang "Pragmentong Laurentian", nakuha ni Simaco ang desisyon sa pamamagitan ng panunuhol[3] samantalang ang deakonong si Magnus Felix Ennodius ng Milan ay kalaunang sumulat na ang 400 solidi ay ipinamahagi sa mga maimpluwensiya (influential) na personahe na hindi matalinong pangalanan.[4] Si Simaco ay nagpatawag ng isang synod sa Roma noong 1 Marso 499 na dinaluhan ng 72 obispo at lahat ay mga klerong Romano. Si Laurentius ay dumalo sa synod nito. Pagkatapos ay itinakda siya sa Campania. Ayon sa Liber Pontificalis, pinakalooban ni Simaco si Lautentius ng Sede na "ginabayan ng simpatiya" ngunit ayon sa Pragmentong Laurentian, si Laurentius ay "malalang binantaan at hinikayat at pwersahang dinespatsa" sa Nuceria.[5] Inordinahan rin ng synod ang sinumang klero na naghangad na makakuha ng mga boto para sa isang kahalili ng kapapahan sa buong buhay ng papa o ang tumawag ng pagpupulong at nagdaos ng mga konsultayson para sa layuning ito ay dapat patalsikin. Noong 501, ang senador na si Rufius Postumius Festus na tagasuporta ni Laurentius ay nag-akusa kay Simaco ng iba't ibang mga krimen. Ang inisyal na kaso ay nagdiwang si Simaco ng Pascha sa maling petsa. Hinikyat ni Theodoric si Simaco sa Ariminum upang tumugon sa kaso. Ang papa ay dumating na natuklasan ang iba pang mga kaso kabilang ang kawalang selibasiya at hindi nararapat na paggamit ng ari arian ng simbahan.[6] Si Simaco ay nagpanik at tumakas mula sa Ariminum sa gitna ng gabi na may isa lamang kasama. Ang kanyang pagtakas ay napatunayan isang miskalkulasyon dahil ito ay itinuring na isang pagamin ng kasalanan. Si Laurentius ay ibinalik sa Roma ng kanyang mga tagasuporta at ang isang malaking bilang ng pangkat ng mga klero kabilang ang karamihan ng mga nakatatandang klero ay nagtiwalag sa kanya. Ang isang dumadalaw na obispo na si Pedro ng Altinum ang hinirang ni Theodoric na magdiwang ng pascha noong 502 at mamahala ng sede sa paghihintay ng desisyon ng isang synod na titipon sa susunod na pascha.[7]

Sa kabila ng kinalabasan ng synod, si Laurentius ay bumalik sa Roma at sa sumunod na apat na taon ay humawak sa mga simbahan nito at namuno bilang papa nang may suporta ni Senador Festus. Ang pakikibaka sa pagitan ng dalawang mga paksiyon ay isinagawa sa pamamagitan ng karahasan ng mga tao na isinagawa ng mga tagasuporta ng bawat kampo o sa pamamagitan ng diplomasya na lumikha ng mga pinekeng dokumento na tinatawag na "mga pandarayang Symmachean" ng mga hatol at batas eklesiastikal upang suportahan ang pag-aangkin ni Simaco na managot. Sa huli, binawi ni Theodoric ang kanyang suporta kay Laurentius noong 506 na nagutos kay Festus na isuko ang mga simbahang Romano kay Simaco.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Richards notes that of the 17 Popes between 483 and 604, seven were certainly or likely members of Roman aristocratic families, and three more had provincial aristocratic origins. The Popes and the Papacy in the Early Middle Ages (London: Routledge and Kegan Paul, 1979), p. 243.
  2. The Book of Pontiffs (Liber Pontificalis), translated with introduction by Raymond Davies (Liverpool: University Press, 1989), pp. 43f
  3. Davies (trans.), Book of Pontiffs, p. 97
  4. Richards, Popes and the papacy, pp. 70f
  5. Davies (trans.), Book of Pontiffs, pp. 44, 97
  6. The "Laurentian Fragment" states that, while walking along the seashore, he saw the woman with whom he was accused of committing sin. Davies (trans.), Book of Pontiffs, p. 98
  7. Richards, Popes and the papacy, p. 71