Pumunta sa nilalaman

Sa mga Kuko ng Liwanag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa mga Kuko ng Liwanag
May-akdaEdgardo M. Reyes
BansaPilipinas
WikaTagalog
DyanraKathang-isip
TagapaglathalaPalimbagan ng Pamantasang De La Salle
Petsa ng paglathala
1986

Ang Sa mga Kuko ng Liwanag (Ingles: In the Claws of Light) ay isang kathambuhay o nobela na nasa wikang Tagalog at isinulat ng Pilipinong may-akdang si Edgardo M. Reyes noong 1986. Unang lumitaw ang nobelang ito bilang isang serye sa magasing Liwayway mula 1966 hanggang 1967. Ang kuwentong ito ang naging batayan para sa nagantimpalaang pelikulang Pilipinong Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag.[1]

Si Julio ay isang mahirap na mangingisda. Isang araw umalis si Ligaya ang kanyang kasintahan na kasama ang isang babaeng may pangalang Ginang Cruz na pinangakuang makakapag-aral at makapaghanapbuhay sa Maynila si Ligaya. Kaya't sinundan ni Julio sa Maynila ang kanyang nobyang si Ligaya. Noong nasa Maynila na, naging biktima si Julio ng mga mapanlamang na mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon at pagbebenta ng sariling katawan para lang kumita ng malaking pera.

Unti-unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit nagbago ang lahat ng muli niyang makita si Ligaya at malaman mula sa kasintahan na naging biktima ito ng prostitusyon at pinagmamalupitan ng intyek na kinakasama. Nagbalak na tumakas ang dalawa ngunit gaya ng sabi ni Ligaya kaya siyang patayin ng kinakasama kapag ito ay nahuling tumatakas. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay patay na si Ligaya. Ipinaghiganti ni Julio si Ligaya at pinaslang ang kinakasama nitong intyek subalit maraming nakasaksi at pinagmalupitan si Julio hanggang sa ito ay mawalan din ng hininga.

Ang nobela ay isinapelikula noong 1975 at pinamagatang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag, na nakilala sa Ingles bilang Manila in the Claws of Light. Ang direktor ng pelikula ay ang nagantimpalaang si Lino Brocka. Ang panitik ng pelikula ay isinulat ni Clodualdo del Mundo, Jr.[1]

Naisalinwika ang aklat sa wikang Nihonggo ni Motoe Terami-Wada. Ang nobela ay naging isa sa pinaka binibiling mga aklat sa Hapon.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Sa Mga Kuko ng Liwanag" by Carl Munsayac (Tagalog), goodreads.com

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.