Sailor Moon
Sailor Moon Bishōjo Senshi Sera Mun | |
美少女 戦士 セーラームーン | |
---|---|
Dyanra | Pakikipagsapalaran, Komedya, Drama, Pantasya, Romansa |
Manga | |
Kuwento | Naoko Takeuchi |
Naglathala | Kodansha |
Demograpiko | Shōjo na manga |
Takbo | 1991 – Abril 1997 |
Bolyum | 18 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Junichi Sato, Kunihiko Ikuhara, Takuya Igarashi |
Estudyo | Toei Animation |
Inere sa | TV Asahi |
Takbo | 7 Marso 1992 – 8 Pebrero 1997 |
Bilang | 200 |
Ang Sailor Moon (美少女戦士セーラームーン Bishōjo Senshi Sērā Mūn, orihinal na sinalin sa Ingles bilang Pretty Soldier Sailor Moon[1] at sa kalaunan bilang Pretty Guardian Sailor Moon[2][3]) ay kilalang seryeng pamagat na orihinal na binubuo ng manga sa pamamagitan ni Naoko Takeuchi na nagkaroon ng anime, teatrong musikal, larong bidyo at tokusatsu. Orihinal itong nailathala ng baha-bahagi sa Nakayoshi mula 1991 hanggang 1997; ang 60 indibiduwal na kabanata ay nailathala sa 18 tankōbon na bolyum. Sinusundan ng kuwento ang mga pakikipagsapalaran ng babaeng estudyanteng si Usagi Tsukino na nagiging si Sailor Moon upang hanapin ang isang artepaktong may mahika, ang "Legendary Silver Crystal" (「幻の銀水晶」 Maboroshi no Ginzuishō, lit. sa Ingles: "Phantom Silver Crystal"). Pinamumunuan niya ang isang pangkat na magkakaiba ang pinagmulan , ang Sailor Soldiers (セーラー戦士 Sērā Senshi) (Sailor Guardians sa mga kalaunang edisyon) habang nilalabanan nila ang mga kontrabidda upang maiwasan ang pagnanakaw ng Silver Crystal at ang pagkawasak ng Sistemang Solar.
Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Juban, Tokyo, isang mag-aaral sa paaralang panggitna na nagngangalang Usagi Tsukino (o Bunny sa berysong Tagalog) ang kumaibigan kay Luna, isang nagsasalitang itim na pusa na nagbigay sa kanya ng isang brotse na may mahika na ginagawa siyang si Sailor Moon: isang sundalo na nakatakdang iligtas ang Daigdig mula sa mga puwersa ng kasamaan. Nagtipon sina Luna at Usagi ng isang pangkat ng mga kasamang Sailor Soldier upang hanapin ang prinsesa at ang Silver Crystal. Nakatagpo nila ang masipag mag-aral na si Ami Mizuno, na ginising ang Sailor Mercury; si Rei Hino, isang lokal na dalaga sa dambanang Shinto na ginising ang Sailor Mars; si Makoto Kino, isang matangkad at malakas na mag-aaral na kakalipat pa lamang na gumising bilang si Sailor Jupiter; at si Minako Aino, isang batang naghahangad maging idol na ginising ang Sailor Venus noong ilang buwan na nakalipas, kasama ang kanyang pusang si Artemis. Karagdagan pa nito, kinaibigan nila si Mamoru Chiba, isang mag-aaral sa mataas na paaralan na tinutulungan sila sa ilang okasyon bilang si Tuxedo Mask.
Mga nagboses sa anime ng Sailor Moon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa wikang Hapon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kotono Mitsuishi : Sailor Moon (Usagi o Bunny Tsukino)
- Aya Hisakawa : Sailor Mercury (Ami Mizuno)
- Michie Tomizawa : Sailor Mars (Rei Hino)
- Emi Shinohara: (1963 - 2024) Sailor Jupiter (Makoto Kino)
- Rika Fukami : Sailor Venus (Minako Aino)
- Kae Araki ng Fushigi Yuugi : Sailor Moon Sailor Chibi-Moon at Itim Babae (Usagi Tsukino at ChibiUsa Tsukino)
- Chiyoko Kawashima : Sailor Pluto (Setsuna Meioh)
- Masako Katsuki : Sailor Neptune (Michiru Kaioh)
- Megumi Ogata : Sailor Uranus (Haruka Tenoh),Petz
- Yuko Minaguchi : Sailor Saturn (Hotaru Tomoe)
- Toru Furuya ng Mobile Suite Gundam : Tuxedo Mask (Mamoru Chiba)
- Keiko Han ng Mobile Suite Gundam at Babala Gintoisda! : Luna at Reyna Beryl
- Yasuhiro Takato ng Captain Tsubasa: Artemis
- Kumiko Nishihara ng Sakura Wars: Diana
- Shiho Niiyama : Sailor Star Fighter (Seiya Kou)
- Narumi Tsunoda : Sailor Star Maker (Taiki Kou)
- Chika Sakamoto ng Fushigi Yuugi : Sailor Star Healer (Yaten Kou)
Sa wikang Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang dub(ABC-5)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ollie De Guzman : Usagi o Bunny Tsukino/Sailor Moon
- Rosanna Villegas : Ami Mizuno/Sailor Mercury
- Vilma Borromeo: Rei Hino/Sailor Mars (Sailor Moon, Sailor Moon R),Sailor Pluto (Sailor Moon R)
- Yvette-Resurreccion Tagura: Rei Hino/Sailor Mars (Stars)
- Marichu Villegas: Makoto Kino/Sailor Jupiter (Sailor Moon, Sailor Moon R)
- Stella Canete: Makoto Kino/Sailor Jupiter (Sailor Moon S, SuperS)
- Vilma Borromeo: Makoto Kino/Sailor Jupiter (Stars)
- Candice Arellano: Minako Aino/Sailor Venus (Sailor Moon S, SuperS, Stars)
- Minna Bernales: Haruka Tenou/Sailor Uranus
- Candice Arellano: Michiru Kaiou/Sailor Neptune
- Amy Panopio: Setsuna Meiou/Sailor Pluto
- Candice Arellano : Hotaru Tomoe/Sailor Saturn
- Bobby Cruz : Mamoru Chiba/Tuxedo Mask (Sailor Moon, Sailor Moon R)
- Monty Repuyan:Mamoru Chiba/Tuxedo Mask (Stars)
- Eloisa Cruz Canlas : Luna
- Minna Bernales: Artemis (Sailor Moon, Sailor Moon R),Luna (Sailor Moon S, SuperS, Stars)
Dub ng ABS-CBN
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jenny Bituin: Usagi o Bunny Tsukino/Sailor Moon (ABS-CBN Dub)
- Aprille Fernandez: Ami Mizuno/Sailor Mercury(ABS-CBN Dub)
- Hazel Hernan: Rei Hino/Sailor Mars (ABS-CBN Dub)
- Joanne Chua: Makoto Kino/Sailor Jupiter (ABS-CBN Dub)
- Rona Aguilaar: Minako Aino/Sailor Venus (ABS-CBN Dub)
- Robert Brillantes : Mamoru Chiba/Tuxedo Mask (ABS-CBN Dub)
- Jefferson Utanes: Artemis (ABS-CBN Dub)
Awiting tema ng Sailor Moon na anime sa wikang Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga titik ay isinulat ni Vehnee Saturno at ikinanta ni Angelika de la Cruz na Sana'y Madama. Ang melodiyang ay kaparehas ng Moonlight Densetsu. Karamihan sa mga awitin ay hindi na isinatagalog, Bagaman ang Moonlight Densetsu ay nanatili hanggang Kabanata 46.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Takeuchi, Naoko (1994). Pretty Soldier Sailor Moon Original Picture Collection vol. I (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Japan: Kodansha. ISBN 4063245071.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 美少女戦士セーラームーン新装版(1). kc.kodansha.co.jp (sa wikang Hapones). Kodansha Comics. Nakuha noong 20 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 美少女戦士セーラームーン 完全版(1). kc.kodansha.co.jp (sa wikang Hapones). Kodansha Comics. Nakuha noong 20 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sailor Moon Official Site (sa Hapones)
- Sailor Moon in the Philippines (sa Ingles)
- Sailor Moon - Anime News Network (sa Ingles)
- Sailor Moon and Naruto joins forces in ABS-CBN's new Team Animazing[patay na link] (sa Tagalog)