Pumunta sa nilalaman

Saitis barbipes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Saitis barbipes
Isang lalaking S. barbipes
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Subpilo: Chelicerata
Hati: Arachnida
Orden: Araneae
Infraorden: Araneomorphae
Pamilya: Salticidae
Sari: Saitis
Espesye:
S. barbipes
Pangalang binomial
Saitis barbipes
(Simon, 1868)
Kasingkahulugan

Attus barbipes
Attus scriptus
Euophrys barbipes
Salticus blandus
Saitis sanctae-eufemiae
Saitis sanctaeeufemiae

Ang Saitis barbipes ay isang pangkaraniwang tumatalon na gagamba na mula sa rehiyon ng Mediteranyo. Makikita ito sa mga bato at mga bahay. Nagmula ang pangalan ng uri sa Latin na barbipes na ibig sabihin ay may "balbas na paa".

Pagkakalarawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang babae

Ang mga babae ng uri ay umaabot sa 5 hanggang 6 mm sa haba ng katawan. Ang mga babae ay may malamlam na kayumangging kulay. Ang lalaki ay mas maliit at mas matingkad ang mga kulay kapag tinignan sa harapan. Meron silang luntiang mga mata, itim na mga marka sa apat na paang nasa harapan at pulang kulay sa taas ng mga mata. Maari itong isa sa mga pinakamakulay na uri ng tumatalon ng gagamba sa Europa. Ang pinakakilalang bahagi nito ay ang malalaking pangatlong paa. Ang mga paang ito ay pula pagmalapit sa katawan at nagiging itim pag lumalayo at puti sa dulo. Ginagamit ang mga ito sa panliligaw at pinangkakaway ng lalaki pag nakakakita ng babae. Pinapatunog nito ang mga paa na ito habang lumalapit sa babae. Kung gusto siya ng babae ay uupo ito at itataas ang tiyan.