Pumunta sa nilalaman

Eroplano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Salipawpaw)
Ang Airbus A340-313X (rehistro F-OHPK) ng Philippine Airlines sa Paliparan ng Naha, Okinawa, Hapon ay halimbawa ng isang eroplano.

Ang eroplano ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid ngunit mas mabigat kaysa hangin. May pakpak ang lahat ng mga salipawpaw. Glayder, palutang, patangay, salimbay, o salibad[1] ang tawag sa mga eroplanong walang makina o motor, sapagkat sumasabay at nagpapatangay lamang sa ihip ng hangin. Bagaman isang uri ng salimpapaw ang salipawpaw, minsang tinatawag din itong salipawpaw o salimpawpaw sa mapangkamalawakang diwa ng salita.

Isang eroplanong walang lulang tao, na pinapaandar ng singaw at may timbang na 9 na libra[2], ang nilikha ni John Stringfellow noong 1848. Nakakalipad ito sa pamamagitan ng sarili lamang na hindi kinakailangang ihulog mula sa himpapawid. Bago ito, mayroon nang mga glayder, ngunit kailangang itulak ang mga ito mula sa isang gusali o burol upang mapalipad.

Naganap ang unang pagpapalipad ang isang tao ng isang eroplanong pinapagana ng motor noong 1903 sa Kitty Hawk, Estados Unidos na isinagawa ni Orville Wright. Pumailanlang si Wright mula sa lupa, minaneho ang salipawpaw, at pinalapag ito pabalik sa lupa. Subalit hindi lubos na makontrol ang eroplanong ito na tinaguriang Flyer 1 (katumbas ng "Manlilipad 1" o "Tagalipad 1").[3] Ang Brasilenyong si Alberto Santos Dumont ang nag-imbento ng unang eroplanong may makina, nakokontrol, at napapanatili ang kapangyarihan ng pagkontrol, noong 1906 sa Paris, Pransiya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Salimbay, salibad". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. High Hopes for Replica Plane, BBC News, Inglatera, UK, BBC.co.uk, 10 Oktubre 2001
  3. "Telegram from Orville Wright in Kitty Hawk, North Carolina, to His Father Announcing Four Successful Flights, 1903 Disyembre 17". World Digital Library. 1903-12-17. Nakuha noong 2013-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.