Pumunta sa nilalaman

Brasil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Brasilenyo)
Pederatibong Republika ng Brasil
República Federativa do Brasil (Portuges)
Salawikain: Ordem e Progresso
"Kaayusan at Progreso"
Awitin: Hino Nacional Brasileiro
"Brasileryong Pambansang Awit"
Location of Brasil
KabiseraBrasília
15°47′S 47°52′W / 15.783°S 47.867°W / -15.783; -47.867
Pinakamalaking lungsodSão Paulo
23°33′S 46°38′W / 23.550°S 46.633°W / -23.550; -46.633
Wikang opisyale
at pambansa
Portuges
KatawaganBrasilyero
PamahalaanFederal presidential republic
• President
Lula da Silva
Geraldo Alckmin
Arthur Lira
Rodrigo Pacheco
Luís Roberto Barroso
LehislaturaNational Congress
• Mataas na Kapulungan
Federal Senate
• Mababang Kapulungan
Chamber of Deputies
Independence 
• Declared
7 September 1822
29 August 1825
• Republic
15 November 1889
5 October 1988
Lawak
• Total
8,515,767 km2 (3,287,956 mi kuw) (5th)
• Katubigan (%)
0.65
Populasyon
• Senso ng 2022
Neutral increase 203,062,512[1]
• Densidad
25/km2 (64.7/mi kuw) (193rd)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $4.101 trillion[2] (8th)
• Bawat kapita
Increase $20,078[2] (87th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $2.126 trillion[2] (9th)
• Bawat kapita
Increase $10,412[2] (79th)
Gini (2020)48.9[3]
mataas
TKP (2022)Decrease 0.754[4]
mataas · 87th
SalapiReal (R$) (BRL)
Sona ng orasUTC−2 to −5 (BRT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (CE)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+55
Internet TLD.br

Ang Brasil,[5] opisyal na Pederatibong Republika ng Brasil, ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Dito makikita ang malaking kagubatan ng amazon. Ang Amazon rainforest, na sumasakop sa karamihan ng hilagang-kanluran ng Brazil at umaabot sa Colombia, Peru at iba pang mga bansa sa South America, ay ang pinakamalaking tropikal na rainforest sa mundo, na sikat sa biodiversity nito. Ang kabisera nito ay Brasilia habang ang pinakamataong lungsod nito ay São Paulo.

  • Isa sa mga pangunahing suplayer ng kalakal ng bansa ay ang Paraguay. Ang Interaksyon at kalakal ng bansang Brazil ay mainam lalo na sa karatig bansa nito tulad ng Venezuela. Mga sasakyang-panghimpapawid, mga kagamitang de-kuryente, ethanol, mga tela at mga tsinelas at sapatos ang ilan sa mga tampok na produktong pang-eksport ng bansa.

Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amasona nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

Ang salitang "Brasil" ay nagmula sa salitang Portuges na brazilwood, isang katutubong puno na minsang naging sagana sa dalampasigan ng Brasil. Sa Portuges, ang brazilwood ay tinatawag na pau-brasil, kung saan ang salitang brasil ay karaniwang binibigyan ng etimolohiyang "pula katulad ng baga", na nabuo mula sa Latin na brasa ("baga") at ang hulaping -il (mula sa -iculum o -ilium). Dahil nakapagbibigay ang brazilwood ng malamlam na pulang tina, ito ay pinahahalagahan nang mataas ng industriya ng tela sa Europa at ang pinakaunang pinakinabangang produkto mula sa Brasil. Sa loob ng ika-16 na dantaon, malalaking tipak ng brazilwood ang inaani ng mga katutubo (kadalasan ay mga Tupi) sa baybayin ng Brasil, na kung saan ipinagbibili ang troso nito sa mga mangangalakal na Europeo (kadalasan ay mga Portuges, ngunit may mga Pranses din) bilang kapalit ng mga sari-saring mga bagay mula sa Europa.

Ang opisyal na wika ng Brasil ay Portuges (Artikulo 13 ng Saligang Batas ng Republikang Pederal ng Brasil), kung saan halos buong populasyon ay nagsasalita nito at masasabing tanging wikang ginagamit sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, at mga gawaing pangkalakan at pampamahalaan. Ang pinakasikat na kataliwasan dito ay ang matatag na batas ng wikang pasenyas na ipinasa ng Pambansang Kapulungan ng Brasil. Opisyal na kinilala ng batas noong 2002, ipinatupad ang batas noong 2005. Ipinag-uutos ng batas ang paggamit ng Wikang Pasenyas ng Brazil (Brazilian Sign Language), na mas kilala sa daglat na Portuges nito na LIBRAS, sa edukasyon at serbisyong pampamahalaan. Dapat ituro ang wika bilang bahagi ng edukasyon at kurikulum sa patolohiya ng pagsasalita at wika. Ang mga guro ng LIBRAS, mga nagtuturo at mga nagsasaling-wika nito ay mga kinikilalang propesyunal. Dapat naaabot ng mga taong may kapansanan sa pandinig ang mga serbisyong pampaaralan at pangkalusugan.

Nagkaroon ng sariling pag-unlad ang Brasilenyong Portuges, gaya ng naganap noong ika-16 na dantaon sa mga Gitna at Katimugang diyalekto ng Europeong Portuges (sa kabila ng napakalaking bilang ng mga nanahang mananakop na Portuges, at mga baguhang migrante, na nagmula sa mga Hilagang rehiyon, at sa maliit na bahagdan, sa Portuges na Macaronesia), na may impluwensiya mula sa mga wikang Amerindo at Aprikano, partikular ang Kanlurang Aprikano at Bantu. Bunga nito, ang wika ay naging iba kahit papaano, kadalasan sa ponolohiya, mula sa wika ng Portugal at iba pang mga bansang nagsasalita ng wikang Portuges (ang mga diyalekto ng ibang bansa, bahagi nito'y dahil katatapos lamang ng kolonyalismong Portuges sa mga rehiyong ito, ay higit na malapit sa modernong Europeong Portuges). Ang mga pagkakaibang ito'y maihahalintulad sa kung paano nagkaiba ang Ingles Amerikano at Ingles Britanya.

Ang Brasil ang natatanging bansa sa kontinenteng Amerika na nagsasalita ng wikang Portuges, na nagbigay-pagpapahalaga sa wika bilang importanteng bahagi ng pambansang pagkakakilanlan ng Brasil, at nagbigay din ng pambansang pagkakaiba sa kultura mula roon sa mga kapitbahayang bansa nitong nagsasalita ng wikang Kastila.

Ang pag-aaral ng kahit isang pangalawang wika (kadalasan ay Ingles at/o Kastila) ay sapilitan sa lahat ng 12 baitang ng sapilitang sistemang pang-edukasyon (mababa at mataas na antas, na tinatawag doon na ensino fundamental at ensino médio). Ang Brasil ang unang bansa sa Timog Amerika na nag-alok ng Esperanto sa mga mag-aaral ng mataas na antas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Araujo, Gabriel (28 Hunyo 2023). Grattan, Steven; Rumney, Emma (mga pat.). "Brazil census shows population growth at its slowest since 1872". Reuters. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 Hunyo 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Brazil)". IMF.org. International Monetary Fund. 10 Oktubre 2023. Nakuha noong 10 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "GINI index (World Bank estimate) – Brazil". World Bank. Nakuha noong 12 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Agoncillo, Teodoro A. (1980). Ang Pilipinas at ang mga Pilipino: noon at ngayon. R.P. Garcia Publishing Company. pp. 64, 66.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)