Pumunta sa nilalaman

San Francesco di Paola, Napoles

Mga koordinado: 40°50′07″N 14°14′51″E / 40.835296°N 14.247471°E / 40.835296; 14.247471
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Basilika ng San Francesco di Paola
Basilica di San Francesco di Paola (sa Italyano)
Ang simbahan ng San Francesco di Paola.
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
DistritoArkidiyosesis ng Napoles
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonBasilika menor
Lokasyon
LokasyonNapoles, Campania, Italya
Mga koordinadong heograpikal40°50′07″N 14°14′51″E / 40.835296°N 14.247471°E / 40.835296; 14.247471
Arkitektura
UriSimbahan
IstiloNeoklasiko


Ang San Francesco di Paola ay isang tanyag na simbahan na matatagpuan sa kanluran sa Piazza del Plebiscito, ang pangunahing plaza ng Napoles, Italya.

Noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, plinano ni Haring Joachim Murat ng Napoles (bayaw ni Napoleon) ang buong plaza at ang malaking gusali kasama ang mga colonnade bilang pagbibigay-pugay sa emperador. Nang tuluyang napatalsik si Napoleon, ang Bourbons ay naibalik sa trono ng Napoles. Ipinagpatuloy ni Ferdinand I ang konstruksiyon - tinapos noong 1816 - ngunit ginawang ang huling produkto sa simbahan na nakikita ngayon. Inialay niya ito kay San Francisco ng Paola, na nanatili sa isang monasteryo sa pook na ito noong ika-16 na siglo.

Ang simbahan ay nakapagpapaalala ng Panteon sa Roma. Ang patsada ay hinaharapan ng isang portico na nakapatong sa anim na haligi at dalawang mga haliging Ionic. Sa loob, bilog ang simbahan na may dalawang kapilya sa gilid. Ang simboryo ay may taas na 53 metro. Ang portico ay likha ng Neapolitanong arkitektong si Leopoldo Laperuta, habang ang pangunahing gusali ay mula sa Suwisang arkitektong si Pietro Bianchi.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Parrocchia di S. Francesco di Paola". Chiesa di Napoli (sa wikang Italyano). Diocesi di Napoli. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2017. Nakuha noong 1 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)