Pumunta sa nilalaman

San Sebastian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Sebastian
Martir
Ipinanganakc. 256
Namatayc. 286 o c. 288
Benerasyon saSimbahang Romano Katoliko
Silanganing Simbahang Ortodoksiya
Simbahang Ortodoksiyang Oryental
KapistahanEnero 20 (Katoliko),
Disyembre 18 (Silanganing Ortodokso)
KatangianMga pana
PatronMga sundalo, mga plaga, mga pana, mga atleta

Si San Sebastian (c. 256 - c. 286[1]/c. 288) ay isang santo ng Romano Katoliko, Silanganing Simbahang Ortodoksiya, at Simbahang Ortodoksiyang Oryental. Isa siyang Romanong martir na pinatay noong persekusyon ng mga Kristiyano ng emperador ng Romang si Diocleciano. Ayon sa alamat, isa siyang opisyal ng mga guwardiyang imperiyal na pinasalang sa pamamagitan ng mga pana o palaso pagkaraang matuklasan na isa siyang Kristiyano.[1] Kaya't kalimitan siyang nilalarawan sa sining at panitikan na nakagapos sa isang poste at pinatamaan ng mga pana. Dahil sa pambihirang kalikasan ng kanyang pagkamartir, karaniwan siyang itinuturing bilang dalawang ulit na naging martir.

  1. 1.0 1.1 "Saint Sebastian". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 523.

Santo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.