Santa Alfonsa
Santa Alfonsa | |
---|---|
Kapanganakan | 19 Agosto 1910
|
Kamatayan | 28 Hulyo 1946
|
Mamamayan | Britanikong Raj |
Si Santa Alfonsa Muttathupadathu (Malayalam: അല്ഫോന്സാ മുട്ടത്തുപാടത്ത്; Alphonsa dell’Immacolata Concezione, Ingles: Saint Alphonsa Muttathupadathu; Kastila: Santa Alfonsa de la Inmaculada Concepción na nangangahulugang Santa Alfonsa ng Malinis na Paglilihi) (19 Agosto 1910 – 28 Hulyo 1946) ay isang santang Katoliko na pangalang taong may pinagmulang Indiyano na kinanonisa bilang isang santo ng Simbahang Romano Katoliko, at ang unang nakanonisang santo ng Simbahang Katolikong Siro-Malabar, isang Simbahang Katolikong may ritong Oryental. Nakikilala siya sa Indiya bilang Alphonsamma.
Nagkaroon siya ng mahirap na pagkabata at dumanas ng maagang kawalan at pagdurusa. Sumali siya sa Kongregasyon ng Pransiskanong Klarista, at nakapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng samahang ito. Isinagawa at ipinahayag niya ang kanyang permanenteng panata o pangakong pambokasyon noong 1936. Nagturo siya sa paaralan sa loob ng maraming mga taon subalit sinalanta ang kanyang kalusugan ng karamdaman.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Santo at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.