Pumunta sa nilalaman

Santa Cristina Gela

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Santa Cristina Gela

Sëndahstina
Comune di Santa Cristina Gela
Tanaw ng Santa Cristina Gela mula sa katabing burol
Tanaw ng Santa Cristina Gela mula sa katabing burol
Lokasyon ng Santa Cristina Gela
Map
Santa Cristina Gela is located in Italy
Santa Cristina Gela
Santa Cristina Gela
Lokasyon ng Santa Cristina Gela sa Italya
Santa Cristina Gela is located in Sicily
Santa Cristina Gela
Santa Cristina Gela
Santa Cristina Gela (Sicily)
Mga koordinado: 37°59′N 13°20′E / 37.983°N 13.333°E / 37.983; 13.333
BansaItalya
RehiyonSicilia
Kalakhang lungsodPalermo (PA)
Mga frazioneAltofonte, Belmonte Mezzagno, Marineo, Monreale, Piana degli Albanesi
Pamahalaan
 • MayorMassimo Diano
Lawak
 • Kabuuan38.74 km2 (14.96 milya kuwadrado)
Taas
670 m (2,200 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan1,008
 • Kapal26/km2 (67/milya kuwadrado)
DemonymSantacristinesi (Albanes Sëndahstinarë)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
90030
Kodigo sa pagpihit091
Santong PatronSanta Cristina
Saint dayHulyo 24
WebsaytOpisyal na website

Ang Santa Cristina Gela (Arbëreshë: Sëndahstina) ay isang pamayanang Arbëreshë at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya.

Ang nayon, kasama ang Contessa Entellina at Piana degli Albanesi, ay isa sa tatlong pamayanan ng Arbëreshë sa Sicilia kung saan ginagamit pa rin ang wikang Arbëreshë. Ito ang pinakamaliit at pinakabagong paninirahang Arbëreshë sa Sicilia, na itinatag noong katapusan ng ika-17 siglo ng mga settler mula sa kalapit na Piana degli Albanesi (Hora), na 3 km ang layo. Eklesyastikong kabilang ito sa ritong Bisantino na Eparkiya ng Piana degli Albanesi bagaman ang tanging simbahan ay gumagamit ng ritong Latin. Ito rin ang luklukan ng Unyon ng mga Alabnes na Munisipalidad ng Sicilia "BESA". Tinatawag ng mga naninirahan dito ang kanilang sarili na sëndahstinarë at bahagi ng komunidad ng arbëreshë. Ginagamit ng administrasyong munisipal ang wikang Albanes (tandaan: hindi ang lokal na wikang Arbëreshë) sa mga opisyal na dokumento, alinsunod sa kasalukuyang batas na nagpoprotekta sa mga etnolingguwistikong minorya.

Luklukan ng Unyon ng mga Alabnes na Munisipalidad ng Sicilia "BESA" sa Via Tirana

Ang Santa Cristina Gela ay itinatag noong 1691 ng 82 na inapo ng mga naunang mga nanirahang Albanes mula sa Piana degli Albanesi, partikular na mula sa pamilya Musacchia, at iba't ibang pamilya ng Arvanite na Nobilidad (nagmula sa Morea). Nakuha ng mga settler ang lugar sa ilalim ng isang kontrata sa Arsobispo ng Palermo at kinailangang magbayad sa kaniya ng mga piyudal na karapatan para sa ilang pampublikong serbisyo, bagaman sila ay nabigyan ng mga pagliban sa buwis at mga pribadong gusali.

Mga pinagmumulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics from the Italian statistical institute (Istat)
[baguhin | baguhin ang wikitext]