Santa Elena (emperatris)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Santa Elena ng Konstantinople
Icon nina San Constantine at ng kanyang ina nasi Santa Helena ng Konstantinople
Empress, Mother of Saint Constantine, Equal to the Apostles
Kapanganakan c. 246/50
Drepanum, Bithynia and Pontus
Kamatayan c. 327/30 (aged 80)
Rome, Tuscania et Umbria
Pinipintuho sa
Kanonisasyon Pre-Congregation[lower-alpha 1]
Pangunahing dambana The shrine to Saint Helena in St. Peter's Basilica
Kapistahan 18 August (Roman Catholic Church); 21 May (Orthodox, Anglican, Lutheran Churches); 19 May (9 Pashons Coptic Orthodox Church)
Katangian Cross
Patronato archaeologists, converts, difficult marriages, divorced people, empresses, Saint Helena island, new discoveries Noveleta, Cavite[1]

Si Santa Elena ng Konstantinopla o Santa Elena ng Konstantinople ay isang emperatris at santa na ina ni Emperador Constantino I (306-337). Siya ang nagwakas ng pag-uusig sa mga Kristiyano ng Imperyong Romano. 63 taong gulang siya noong maging isa siyang Kristiyano. Bukod sa pakikisalamuha sa ordinaryong mga mamamayan ng Sinaunang Roma, ginamit ni Santa Elena ang kanyang kayamanan sa pagtatayo ng mga simbahan at ibsan ang pagdurusa ng mga mahihirap. Sa edad na 80, nagtungo siya sa Palestina upang hanapin ang banal na mga pook sa buhay ni Hesukristo, at upang hanapin ang totoong krus na natagpuan sa isang sisterna o tangkeng panahod ng tubig-ulan na malapit sa Kalbaryo. Pinamunuan ni Santa Elena ang pagtatatag ng Simbahan ng Banal na Sepulkro. Siya rin ang nagpatayo ng Simbahan ng Natibidad sa Betlehem, pati na ng mga pagpapalamuti sa iba pang mga simbahan sa Lupaing Banal, ang lugar kung saan siya sumakabilang-buhay.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Compare: Draco, Melusine (2016). "7: The Church Calendar". The Secret People: Parish-Pump Witchcraft, Wise-Women and Cunning Ways. Alresford: John Hunt Publishing. ISBN 9781785354458. https://books.google.com/books?id=yjraDAAAQBAJ. Hinango noong 2016-10-17. "St Helena, patron of new discoveries, archaeologists, converts, difficult marriages, divorced people and empresses." 
  2. Saint Helen, Widow ([kamatayan] c. 329), Magnificat, Saints of Today and Yesterday, Agosto 2009, Tomo 11, Blg. 6, pahina 273.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Maling banggit (Umiiral na ang tatak na <ref> para sa pangkat na pinangalanang "lower-alpha", subalit walang natagpuang katumbas na tatak na <references group="lower-alpha"/>); $2