Pumunta sa nilalaman

Sauropoda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mga Sauropoda
Temporal na saklaw:
Huling Triasiko-Huling Kretaseyoso, 210–65.5 Ma
Kalansay ng Apatosaurus louisae, Carnegie Museum
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Dinosauria
Suborden: Sauropodomorpha
Klado: Anchisauria
Klado: Sauropoda
Marsh, 1878
Subgroups[1]

Ang Sauropoda (play /sɔːˈrɒpɵdə/), o sauropods ( /ˈsɔrəpɒd/), ay isang inpraorder ng saurischiang (may balakang na butiki) mga dinosauro. Ang mga ito ay may mahabang mga leeg, mahabang buntot, maliit na ulo (kumpara sa katawan nito) at mga makamkapal na parang haliging mga hita. Ang mga ito ay kilala sa pagkakaroon ng mga malalaking sukat na nakamit ng ilang mga espesye at ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng pinakamalalaking mga hayop sa namuhay sa lupain. Ang mga kilalalng henera nito ay kinabibilangan ng Brachiosaurus, Diplodocus, Apatosaurus, at Brontosaurus.

Ang mga sauropoda ay unang lumitaw sa Panahong Huling Triasiko kung saan ang mga ito ay kamukha ng malapit na nauugnay (at posibleng mga ninuno) sa pangkat na Prosauropoda. Sa Panahong Huling Hurasiko mga 150 milyong taon ang nakalilipas, ang mga sauropoda ay lumaganap lalo na ang mga diplodocid at brachiosaurid. Sa panahong Huling Kretaseyoso, ang mga pangkat na ito ay pangunahing napalitan ng mga titanosauro na may halos pandaigdigang distribusyon. Gayunpaman, gaya ng lahat ng ibang mga dinosaurong hindi ibon, ang mga titanosauro ay namatay sa pangyayaring ekstinksiyong na Kretaseyoso-Paleohene. Ang mga fossiladong labi ng mga sauropoda ay natagpuan sa bawat kontinente ng daigdig, kabilang ang Antarctica. Ang pangalang Sauropoda ay inimbento ni Othniel Charles Marsh noong 1878 at hinango sa Griyegong nangangahulugang "paa ng butiki".[2]

Ang mga sauropoda ang isa sa pinakakilalang mga pangkat ng dinosauro at naging bahagi ng kulturang popular sanhi ng mga malalaking sukat nito. Ang mga kumpletong fossil ng sauropoda ay bihira. Maraming mga espesye lalo na ang pinakamalalaki ay alam lamang sa mga hiwalay at disartikuladong mga buto. Maraming halos kumpletong mga ispesimen ay walang ulo, mga dulo ng buntot at mga biyas.

Rekonstruksiyon ng Ampelosaurus

.

Restorasyon ng Diplodocus ni Charles R. Knight, 1911
Kalansay ng Barosaurus lentus
Bakas ng paa ng isang sauropoda
Mga bakas ng paa ng isang sauropoda

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Holtz, Thomas R. Jr. (2012) Dinosaurs: The Most Complete, Up-to-Date Encyclopedia for Dinosaur Lovers of All Ages, Winter 2011 Appendix.
  2. Marsh, O.C. (1878). "Principal characters of American Jurassic dinosaurs. Part I"". American Journal of Science and Arts. 16: 411–416.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)