Pumunta sa nilalaman

Tag-an

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sawfish)

Tag-an
Tagan, Pristis pectinata
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Chondrichthyes
Orden: Rhinopristiformes
Pamilya: Pristidae
Bonaparte, 1835
Genus

Ang mga tag-an[2][3][4] o barasan (Ingles: sawfish [literal na "isdang-lagare"]) ay isang pamilya ng mga hayop-dagat na kaugnay ng mga pating at mga batoidea (mga manta). Kabilan sa pinakanatatanging kaanyuan nila ang mahaba at mangiping mga nguso. Kasapi sila sa mga pamilyang Pristidae sa loob ng ordeng Pristiformes, na nagmula ang pangalan sa Griyegong pristēs na nangangahulugang "isang lagari". Hindi sila dapat ikalito sa mga bukawin (ordeng Pristiophoriformes, tinatawag ding katambak o sapingan, mga "lagaring pating"), na may kahawig na anyong pangpangangatawan. Dahil nga sa pagkakahawig na ito, may kamaliang natatawag din ang mga tag-an bilang mga lagaring-pating[5] din.

Itinuturing ang lahat ng mga uri ng mga tag-an na lubhang nanganganib at ipinagbabawal ang pandaigdigang pangangalakal ng mga ito.[6]

  1. 2006 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2006. Nakuha noong 11 Hunyo 2007
  2. Sawfish, barasan, tag-an Naka-arkibo 2008-12-16 sa Wayback Machine., FLMNH.ufl.edu
  3. Sawfish, barasan, tag-an, ZipCodeZoo.com
  4. Sawfish, barasan, tag-an, Pristis microdon Naka-arkibo 2012-01-21 sa Wayback Machine., GBIF.org
  5. English, Leo James (1977). "Lagaring-pating, sawfish". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. BBC NEWS | Science/Nature | Sawfish protection acquires teeth