Pumunta sa nilalaman

Schizophrenia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Schizophrenia
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
Damit na ibinurda ng isang pasyente na mayroong eskisoprenya
ICD-10F20.
ICD-9295
OMIM181500
DiseasesDB11890
MedlinePlus000928
eMedicinemed/2072 emerg/520
MeSHF03.700.750
Si John Nash na isang matematiko at nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa ekonomika ay may sakit na schizophrenia. Ang kanyang buhay ang paksa ng nanalo ng Academy Award na pelikulang A Beautiful Mind.

Ang Schizophrenia o Eskisoprenya (sa salitang ugat sa Lumang Griyego na schizein, σχίζειν, "ihiwalay" at phrēn, phren-, φρήν, φρεν-, "pag-iisip"; Kastila: esquizofrenia) ay isang uri ng sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng paghina ng mga prosesong pang-isipan at ng kakulangan ng mga tugon na nauukol sa emosyon. Ang mga karaniwang sintomas nito ay kinabibilangan ng mga halusinasyon na naririnig at nakikita,[1] mga delusyon na sila ay inuusig o napakadakila,[1] at mga hindi maayos na pagsasalita. Ang pagsisimula ng mga sintomas nito ay nangyayaring tipikal sa pagtuntong sa maagang karampatang gulang. Ito ay nangyayari sa buong mundo ng mga 0.3–0.7%. Ang diagnosis ng sakit na ito ay batay sa mga napagmamasdang pag-aasal sa mga pasyente gayundin sa mga mismong inuulat na karanasan ng pasyente. Ang henetika, maagang kapaligiran, neurobiyolohiya, at mga prosesong sikolohikal at panlipunan ay lumilitaw na nag-aambag na mga paktor ng sakit na ito. Ang ilang mga drogang nirereseta o mga drogang panlibangan ay lumilitaw na nagsasanhi o nagpapalala ng mga sintomas nito. Sa kasalukuyang mga pagsasaliksik ay walang natuklasang organikong sanhi ng sakit na ito. Sa kabila ng pinagmulang salita nitong mga ugat na wikang Griyegong skhizein (σχίζειν, "ihiwalay") at phrēn, phren- (φρήν, φρεν-; "isipan"), ang schizophrenia ay hindi nagpapahiwatig ng isang "hiwalay na personalidad" o "diperensiyang maraming personalidad" na kilala ngayon bilang dissociative identity disorder. Sa halip, ang schizophrenia ay nangangahulugang paghihiwalay ng mga tungkuling pang-isipan dahil sa mga nakikitang sintomas sa sakit na ito.

Ang salitang schizophrenia ay inimbento ng psychiatrist na si Eugen Bleuler.

Ang mga 30% hanggang 50% ng mga meron nito ay walang kabatiran o sa ibang salita ay hindi nila tinatangap na meron silang schizophrenia o ang paggamot nito.[2]

Mga sintomas na positibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sintomas na positibo na tumutukoy sa pagkagulo ng normal na pag-iisip at paggana ng tao. Ang mga ito ay mga pag-aasal na sikotiko at ang mga meron nito ay walang kakayahang tumukoy sa kung ano ang tunay o realidad mula sa hindi tunay. Ang mga sintomas na positibo ay kinabibilangan ng mga halusinasyon, mga delusyon, at mga hindi maayos na pag-iisip at pananalita.

Mga halusinasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga halusinasyon ng may schizophrenia ang mga nakikita at naririnig na hindi naririnig at hindi nakikita ng ibang mga tao. Sila ay nakakarinig ng mga tinig o boses sa kanilang ulo na maaaring nakikipag-usap sa kanila.[1] Ang delusyong naririnig ang pinaka-karaniwang halusinasyon ng mga may schizophrenia. Sila ay maaaring nakakakita ng mga bagay o entidad na hindi tunay.

Kabilang sa mga delusyon (maling paniniwala) ng mga may schizophrenia ang mga delusyon na paranoid, delusyon ng pag-uusig, at delusyon ng kadakilaan.[1] Ang mga delusyon ng pag-uusig o paranoid ay kinabibilangan ng paniniwalang sila ay kinokontrol ng ibang tao, nilalason, dinadaya, hinaharass, pinapadalhan ng mga mensahe ng mga tao sa telebisyon o ang kanilang mga kaisipan ay isinasahimpapawid ng mga himpilan ng radyo. Ang mga delusyon ng kadakilaan ang paniniwalang sila ay isang superior o napaka-dakilang indibdwal gaya ng pagkakaroon ng tumaas o labis na kapangyarihan, katalinuhan, kayamanan o kasikatan. Kabilang dito ang paniniwalang sila ay Diyos, mesiyas, tagapagligtas, santo o isang pinili.[3][4][5]

Kaguluhan sa pag-iisip

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga diperensiya sa pag-iisip ang mga hindi karaniwan o hindi maayos na paraan ng pag-iisip. Ang isang anyo nito ang hindi maayos na pag-iisip o hindi maiugnay ang mga salita ng lohikal. Ang hindi maayos na pagsasalita ay maaaring mula sa pagkawala ng tren ng isipan hanggang sa pangungusap na may maluwag na magkakaugnay na mga kahulugan at sa mga malalang kaso ay mga halo-halong salitang hindi maitindahan.

Mga diperensiya sa paggalaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa isang hindi karaniwang subtipo ng sakit naito, ang isang tao ay maaaring malaking hindi makapagsalita, nananatiling hindi gumagalaw sa mga kakaibang postura o nagpapakita ng mga kaguluhang kakaiba na lahat ay tanda ng catatonia.[6]

Mga sintomas na negatibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sintomas na negatibo ay tumutukoy sa kahirapan sa pagpapakita ng mga emosyon o sa paggana nang normal. Ang taong may sintomas na negatibo ay mukhang may depresyon. Ang mga ito ay kinabibilangan ng hindi pagpapakita ng ekspresyon sa mukha, nahihirapan masiyahan, nahihirapang magplano at manatili sa isang gawain at nagsasalita ng kaunti sa mga tao kahit kailangan nila.

Ang paglayo sa mga tao, hindi maayos na pananamit, kawalang kalinisan sa katawan, kawalan ng motibasyon at mahinang paghatol ay mga karaniwang sintomas ng schizophrenia.[7] May kadalasang napagmamasdang mga kahirapan sa emosyon ng mga taong meron nito halimbawa sa pagtugon.[8] Ang paghina ng kognisyon sa pakikisalamuha [9] at paglayo sa iba ay karaniwang nangyayari.[10] Ang mga kahirapan sa gumaganang memorya, pang-matagalang memorya, atensiyon, mga tungkuling ehekutibo ng isipan at bilis ng pagpoproseso ng impormasyon ay karaniwan rin sa schizophrenia.[11][12] Ang pagkatanto sa emosyon sa mukha ng iba ay kadalasang humihina sa mga taong may schizophrenia.[13]

Ang pinakamalaking panganib ng pag-unlad ng schizophrenia sa isang indibidwal ay pagkakaroon ng unang digring kamag-anak na may sakit na ito. Ang panganib nito ay 6.5%. Ang higit sa 40% ng mga kambal na monozygotic(identikal) na may schizophrenia ay naapektuhan rin.[14] Ang isang batang may dalawang magulang na may schizophrenia ay may 46% tsansa na magkaroon nito.[15] Malamang na maraming mga gene ang nasasangkot sa schizophrenia na ang bawat isa ay maliit na epekto at may hindi alam na pagpasa at paghahayag.[14] Ang mga iminungkahing kandidato na iminungkahi ay kinabibilangan ng spesipikong mga bariasyong kopya-bilang, NOTCH4, at histone protein loci.[16] Ang isang bilang ng malawakan sa genome na mga ugnayan gaya ng zinc finger protein 804A ay naiugnay rin.[17] Ang ebidensiya[18] ay umaahon na ang arkitekturang henetiko ng schizophrenia ay kinasasangkutan ng parehong karaniwan at bihirang bariasyong panganib.[19]

Ang mga paktor na pangkapaligiran na nauugnay sa pag-unlad ng schizophrenia sa isang tao ay kinabibilangan ng tinitirhan, paggamit ng droga at mga stressor sa sinapupunan.[11] Ang pagtira sa kapaligirang urbano sa kabataan o sa katandaan ay konsistenteng natagpuan nagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng schizophrenia sa paktor na dalawa[11][14] kahit pa pagkatapos na isaalang alang ang paggamit ng mga drogang panlibangan, pangkat etniko at sukat ng pangkat na panlipunan.[20] Ang ibang mga paktor na gumagampan ng papel sa pagbuo nito ay kinabibilangan ng paglayo sa ibang tao, imigrasyon na nauugnay sa kagipitan, diskrimasyon sa lahi, magulong pamilya, kawalang trabaho at mga hindi magandang kondisyon sa tinitirhang bahay.[14][21]

Ang pangmatagalang paggamit ng amphetamine at cocaine ay nauugnay sa mas maagang pagsisimula ng sakit na sikotiko.[22][23][24] Sa isang pag-aaral, naipakitang ang kompuwestong THC sa marijuana ay maaaring magpataas ng sikosis samantalang ang isa pang kompuwesto ng marijuana na cannabidiol ay maaaring magbawas ng mga sintomas ng sikosis. Ang mga kamakailang pag-aaral ay nagpakitang ang cannabidiol ay kasing epektibo ng mga atipikal na antisikotiko sa paggamot ng schizophrenia.[25] Kung ang marijuana ay isang nag-aambag na sanhi ng schizophrenia sa halip na pag-aasal na simpleng nauugnay dito ay nananatiling kontrobersiyal.[16][26]

Ang mga paktor gaya ng hypoxia at impeksiyon o stress at malnutrisyon sa ina sa pagbuo ng fetus ay maaaring magresulta sa katamtamang pagtaas ng panganib ng schizophrenia sa kalaunang buhay.[11] Ang mga taong nadiagnose ng schizophrenia ay mas malamang na ipinanganak noong taglamig o tagsibol sa hilagaang hemispero na maaaring magresulta sa tumaas na rate ng mga pagkalantad sa virus sa sinapupunan.[14] Ang pagkakaibang ito ay mga 5 hanggang 8%.[27]

Sa kasalukuyan ay wala pang lunas na makapagpapagaling sa schizophrenia.[28] Ang paraan ng pangangasiwa sa schizophrenia ang mga gamot na antisikotiko[29] gayundin ang mga paggamot na sikososyal. Kabilang sa mga karaniwang mga nireresetang antisikotiko para sa schizophrenia ang Chlorpromazine, Haloperidol, Perphenazine at Fluphenazine.[1] Ang mga ibang atipikal na antisikotiko ay kinabibilangan ng Risperidone, Olanzapine, Quetiapine, Ziprasidone, Aripiprazole, Paliperidone. Gayunpaman, nabibigo ang mga antisikotiko na malaking pabutihin ang mga negatibong sintomas at ang hindi pagganang kognitibo.[30] Sa mga gumagamit ng antisikotiko, ang patuloy na paggamit nito ay nagbabawas ng panganib ng muling pagbalik sa nakaraang kondisyon.[31]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 http://www.nimh.nih.gov/health/publications/schizophrenia/index.shtml
  2. Baier, M (2010 Aug). "Insight in schizophrenia: a review". Current psychiatry reports. 12 (4): 356–61. PMID 20526897. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. Siddle, Ronald; Haddock, Gillian, Tarrier, Nicholas, Faragher, E.Brian (1 Marso 2002). "Religious delusions in patients admitted to hospital with schizophrenia". Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology. 37 (3): 130–138. doi:10.1007/s001270200005. PMID 11990010.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Mohr, Sylvia; Borras, Laurence, Betrisey, Carine, Pierre-Yves, Brandt, Gilliéron, Christiane, Huguelet, Philippe (1 Hunyo 2010). "Delusions with Religious Content in Patients with Psychosis: How They Interact with Spiritual Coping". Psychiatry: Interpersonal and Biological Processes. 73 (2): 158–172. doi:10.1521/psyc.2010.73.2.158.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Suhail, Kausar; Ghauri, Shabnam (1 Abril 2010). "Phenomenology of delusions and hallucinations in schizophrenia by religious convictions". Mental Health, Religion & Culture. 13 (3): 245–259. doi:10.1080/13674670903313722.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ungvari GS, Caroff SN, Gerevich J. The catatonia conundrum: evidence of psychomotor phenomena as a symptom dimension in psychotic disorders. Schizophr Bull. 2010;36(2):231–8. doi:10.1093/schbul/sbp105. PMID 19776208.
  7. Carson VB (2000). Mental health nursing: the nurse-patient journey W.B. Saunders. ISBN 978-0-7216-8053-8. p. 638.
  8. Padron:Vcite book
  9. Brunet-Gouet E, Decety J. Social brain dysfunctions in schizophrenia: a review of neuroimaging studies. Psychiatry Res. 2006;148(2–3):75–92. doi:10.1016/j.pscychresns.2006.05.001. PMID 17088049.
  10. Padron:Vcite book
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 van Os J, Kapur S. Schizophrenia. Lancet. 2009 [archived 2013-06-23; cited 2013-08-29];374(9690):635–45. doi:10.1016/S0140-6736(09)60995-8. PMID 19700006.
  12. Suicide and schizophrenia: a systematic review of rates and risk factors.. Journal of psychopharmacology (Oxford, England). 2010 Nov;24(4 Suppl):81-90. PMID 20923923.
  13. http://schizophreniabulletin.oxfordjournals.org/content/36/5/1009.full
  14. 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 Picchioni MM, Murray RM. Schizophrenia. BMJ. 2007;335(7610):91–5. doi:10.1136/bmj.39227.616447.BE. PMID 17626963.
  15. Schacter, Daniel L. (2011). Psychology Ed. 2. 41 Madison Avenue New York, NY 10010: Worth Publishers. p. 578. ISBN 1–4292–3719–8. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)
  16. 16.0 16.1 McLaren JA, Silins E, Hutchinson D, Mattick RP, Hall W. Assessing evidence for a causal link between cannabis and psychosis: a review of cohort studies. Int. J. Drug Policy. 2010;21(1):10–9. doi:10.1016/j.drugpo.2009.09.001. PMID 19783132.
  17. O'Donovan MC, Craddock NJ, Owen MJ. Genetics of psychosis; insights from views across the genome. Hum. Genet.. 2009;126(1):3–12. doi:10.1007/s00439-009-0703-0. PMID 19521722.
  18. schizophrenia genomics | journal = Current Genomics. Nov;(7):. doi: | volume = 12 |issue= 7 | pages = 516–24 | year = 2011 | doi = 10.2174/138920211797904089 |
  19. Moore S, Kelleher E, Corvin A. "The shock of the new: progress in pmid=22547958". PMC 3219846. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong); Missing pipe in: |title= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  20. Van Os J. Does the urban environment cause psychosis?. British Journal of Psychiatry. 2004;184(4):287–288. doi:10.1192/bjp.184.4.287. PMID 15056569.
  21. Selten JP, Cantor-Graae E, Kahn RS. Migration and schizophrenia. Current Opinion in Psychiatry. 2007;20(2):111–115. doi:10.1097/YCO.0b013e328017f68e. PMID 17278906.
  22. Large M, Sharma S, Compton MT, Slade T, Nielssen O. Cannabis use and earlier onset of psychosis: a systematic meta-analysis. Arch. Gen. Psychiatry. 2011;68(6):555–61. doi:10.1001/archgenpsychiatry.2011.5. PMID 21300939.
  23. Moore THM, Zammit S, Lingford-Hughes A et al.. Cannabis use and risk of psychotic or affective mental health outcomes: a systematic review. Lancet. 2007;370(9584):319–328. doi:10.1016/S0140-6736(07)61162-3. PMID 17662880.
  24. Sewell RA, Ranganathan M, D'Souza DC. Cannabinoids and psychosis. International review of psychiatry (Abingdon, England). 2009 Apr;21(2):152–62. doi:10.1080/09540260902782802. PMID 19367509.
  25. Zuardi, A.W; J.A.S. Crippa, J.E.C. Hallak, F.A. Moreira, F.S. Guimarães (2006). "Cannabidiol, a Cannabis sativa constituent, as an antipsychotic drug" (PDF). Braz. J. Med. Biol. Res. 39 (4): 421–429. doi:10.1590/S0100-879X2006000400001. PMID 16612464.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  26. Ben Amar M, Potvin S. Cannabis and psychosis: what is the link?. Journal of Psychoactive Drugs. 2007 Jun;39(2):131–42. doi:10.1080/02791072.2007.10399871. PMID 17703707.
  27. Yolken R.. Viruses and schizophrenia: a focus on herpes simplex virus.. Herpes. 2004;11(Suppl 2):83A–88A. PMID 15319094.
  28. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-07. Nakuha noong 2013-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. National Collaborating Centre for Mental Health. Gaskell and the British Psychological Society. Schizophrenia: Full national clinical guideline on core interventions in primary and secondary care [PDF]; 2009-03-25 [cited 2009-11-25].
  30. Tandon R, Keshavan MS, Nasrallah HA. Schizophrenia, "Just the Facts": what we know in 2008 part 1: overview. Schizophrenia Research. 2008;100(1–3):4–19. doi:10.1016/j.schres.2008.01.022. PMID 18291627.
  31. Leucht S, Tardy M, Komossa K, et al.. Antipsychotic drugs versus placebo for relapse prevention in schizophrenia: a systematic review and meta-analysis. Lancet. 2012;379(9831):2063–71. doi:10.1016/S0140-6736(12)60239-6. PMID 22560607.
[baguhin | baguhin ang wikitext]