Pumunta sa nilalaman

Scott Bradlee

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Scott Bradlee
Kabatiran
Kapanganakan (1981-09-19) 19 Setyembre 1981 (edad 43)
Long Island, New York
GenreJazz, ragtime, swing
InstrumentoPiano, teklado (keyboards), gitara

Si Scott Bradlee (ipinanganak noong 19 Setyembre 1981[1]) ay isang Amerikanong musikero, piyanista, kumpositor, at tagapag-areglo ng musika. Nakikilala siya dahil sa kaniyang mga bidyong naging "viral" (bantog at laganap) sa YouTube.

Ipinanganak si Bradlee sa Long Island, New York, kung saan siya unang nahilig sa jazz sa edad na 12 pagkaraang marinig ang "Rhapsody in Blue" ni George Gershwin sa unang pagkakataon.[2] Si Bradlee ay naging isang matagumpay na tagapagtanghal, habang naghahanapbuhay sa eksena ng pagtugtog ng jazz sa New York.[3] Nagtrabaho rin si Bradlee bilang direktor ng musika para sa isang pagtatanghal sa teatrong inter-aktibo na nasa labas ng Broadway, na kung tawagin ay Sleep No More ("Huwag Nang Matulog Pa").

Sa paghahanap ng isang inspirasyon sa paglikha, sinimulan ni Bradlee ang pagbago sa tugtuging popular bilang isang pagsasanay. Noong 2009, inilabas niya ang "Hello My Ragtime '80s," kung saan sinanib niya ang tugtuging sikat mula sa dekada ng 1980 sa pagpipiyano na may estilong ragtime. Pagkaraang tumugtog at mag-eksperimento sa entablado sa kaniyang regular na gig sa Robert Restaurant, pinakawalan ni Bradlee ang katipunang pinamagatan bilang Mashups by Candlelight ("Mga Pagsasanib na may Sinag ng Kandila"). Nakatanggap siya ng katanyagan nang ilabas niya ang A Motown Tribute to Nickleback noong 2012, isang pakikipagtulungan na kinabibilangan ng mga lokal na mga musikero na inareglo ang mga awitin ng bandang Nickleback (isang banda mula sa Canada na nabuo noong 1995 sa Hanna, Alberta) na nasa estilo ng musikang R&B noong dekada ng 1960.

Noong 2013, nagsimula sa Bradlee na maging seryoso sa pagbuo ng pangkat na nakikilala bilang Postmodern Jukebox, isang naghahalinhinang grupo ng mga musikero na lumilikha ng mga cover (pangunahing awitin) ng mga awiting popular na nasa mga estilo ng jazz, ragtime, at swing. Lumantad ang pangkat sa harap ng madla sa pamamagitan ng kanilang bersiyon ng pangunahing kanta o cover ng awitin ni Miley Cyrus, ang "We Can't Stop", na nasa estilong doo-wop. Maraming mga artista sa larangan ng musika ang lantarang nagbigay ng kanilang paghanga sa gawain ng pangkat. Habang dumarami ang bilang ng kanilang mga tagahanga, kinapanayam si Bradlee ng maraming mga tagapagbalita katulad ng NPR[4] at nagtanghal din sa harap ng publiko (live at hindi nakarekord) habang nasa Good Morning America at sa Fuse.[5] Tinapos ng pangkat ang kanilang taon pagtatanghal sa pamamagitan ng pagbisita sa tanggapan ng Cosmopolitan Magazine sa New York para sa isang pagsusuri ng kanilang pagtatrabaho sa loob ng nakalipas na tao at pagsusuri ng mga awitin na naging sikat mula sa nasabing taon.[6] Ang pinakasikat na panauhing musikero ng pangkat ay ang Amerikanong saksoponista na pang-jazz na si Dave Koz, na nakipagtulungan sa kanila sa mga cover na pang-jazz ng "Careless Whisper" at ng awiting tema ng Game of Thrones; at ang Amerikanang manganganta, piyanista, at manunulat ng awitin na si Niia Bertino, na mas nakikilala bilang Niia, at sumali sa pangkat para sa isang bersiyong "space jazz" ng "The End of the World".

Noong 2013, nakakuha rin ng pagpansi si Bradlee mula sa industriya ng mga larong pangbidyo, kung saan nakatanggap siya ng pagkilala dahil sa kaniyang naiambag na musika para sa BioShock Infinite ng 2K Games.[7] Ang soundtrack o tugtugin ay nagtatampok ng tatlo sa maestilong pag-aareglo ng manunugtog na si Bradlee.[8]

  • Mashups by Candlelight (2012)
  • A Motown Tribute to Nickleback (2013)
  • Mashups by Candlelight, Vol. 2 (2013)
  • Twist is the New Twerk (2014)
  • Clubbin′ With Grandpa (2014)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. [1] Kinumpirma ni Scott Bradlee ang kaniyang kaarawan sa Twitter.
  2. Lent, Jesse. "K-Pop Crossover: Scott Bradlee And Robyn Adele Anderson Of Postmodern Jukebox On Covering Psy's 'Gentleman'". K-Pop Starz. Nakuha noong 16 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Deming, Mark. "Jazz pianist takes pop hits and sends them through a musical time machine for fun and profit". All Music. Nakuha noong 16 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "A Vintage Filter on Today's Top 40". NPR. Nakuha noong 16 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Watch: Scott Bradlee Drops Genre-Bending Cover of "God Rest Ye Merry Gentlemen"". Fuse. Nakuha noong 17 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ingber, David. "CONVERSATION STARTERS The Most Unbelievable 2013 Pop Music Re-Mix You'll Hear". Cosmopolitan. Cosmopolitan. Nakuha noong 16 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Scott Bradlee". IMDB. IMDB. Nakuha noong 16 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Pinchefsky, Carol. "Irrational Games Makes Serious Misstep with 'BioShock: Infinite' Soundtrack Offering". Forbes. Forbes. Nakuha noong 16 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]