Pumunta sa nilalaman

Selektibong Tagapigil ng Muling Pagsisipsip ng Serotonin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Selektibong Tagapigil ng Muling Pagsisipsip ng Serotonin
Clinical data
AHFS/Drugs.com ssri-antidepressants
Pregnancy cat. ?
Legal status ?
Identifiers
ATC code N06AB
Chemical data
Formula ?

Ang Mga Selektibong Tagapigil ng Muling Pagsisipsip ng Serotonin (Ingles: Selective serotonin re-uptake inhibitors o serotonin-specific reuptake inhibitor at pinaikling SSRI) ay isang klase ng mga compound na tipikal na ginagamit bilang mga antidepressant sa paggamot ng depresyon, mga diperensiya ng pagkabalisa at ilang mga diperensiya ng personalidad. Ang pagiging epektibo ng mga SSRI ay tinutulan ng ilan sa kasalukuyan. Isinaad sa isang meta-analisis noong 2010 na, "Ang magnitudo ng benepisyo ng medikasyong plasebo... ay maaaring minimal(maliit) o hindi umiiral sa mga pasyenteng may mahinahon o mahinay na mga sintomas. Para sa mga pasyente na may matinding depresyon, ang benepisyo ng mga medikasyon kesa sa plasebo ay malaki.". Gayunpaman, hindi isinaalang alang ng pagsasaliksik na ito ang mga pag-aaral na inapruhan ng FDA(Food and Drug Administration) ng Estados Unidos kabilang ang mga gumamit ng plasebo na mga yugtong washout na tipikal na ginagamit bilang mga siyentipikong kontrol.[1]

Ang mga SSRI ay pinaniniwalaang nagdadagdag ng ekstraselular na lebel ng neurotransmitter na serotonin sa pamamagitan ng pagpipigil ng muling pagsisipsip nito sa presinaptikong selula na nagpaparami ng lebel ng serotonin sa sinaptikong cleft na magagamit pa upang magbigkis sa post-sinaptikong reseptor. Ang mga ito ay may iba ibang digri ng selektibidad para sa ibang mga tagahatid ng monoamino na ang purong SSRI ay may mahinang apinidad lamang para sa tagahatid noradrenalino at dopamino.

Ang mga SSRI ang unang klase ng mga drogang sikotropika na natuklasan gamit ang rasyonal na pagdidisenyo ng droga na isang prosesong nagsisimula sa isang spesipikong inaasintang biolohikal at tapos ay lumilikha ng mga molekulang dinisenyo upang umapekto dito. Ang mga SSRI ang pinakamalawak na nirereseta ng mga doktor sa maraming mga bansa. Drugs in this class include (trade names in parentheses)

  • citalopram (Celexa, Cipramil, Cipram, Dalsan, Recital, Emocal, Sepram, Seropram, Citox, Cital)
  • dapoxetine (Priligy)
  • escitalopram (Lexapro, Cipralex, Seroplex, Esertia)
  • fluoxetine (Prozac, Fontex, Seromex, Seronil, Sarafem, Ladose, Motivest, Flutop, Fluctin (EUR), Fluox (NZ), Depress (UZB), Lovan (AUS), Prodep (IND))
  • fluvoxamine (Luvox, Fevarin, Faverin, Dumyrox, Favoxil, Movox)
  • indalpine (Upstene) (discontinued)
  • paroxetine (Paxil, Seroxat, Sereupin, Aropax, Deroxat, Divarius, Rexetin, Xetanor, Paroxat, Loxamine, Deparoc)
  • sertraline (Zoloft, Lustral, Serlain, Asentra)
  • vilazodone (Viibryd)
  • zimelidine (Zelmid, Normud) (discontinued)
  1. Kramer, Peter (7/9/11). "In Defense of Antidepressants". The New York Times. Nakuha noong 13 July 2011. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)