Dopamino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dopamino
Dopamine2.svg
Dopamine-3d-CPK.png

Mga pangkilala (panturing)

Bilang ng CAS [51-61-6]
PubChem 681
DrugBank DB00988
KEGG D07870
ChEBI CHEBI:18243
Larawang 3D ng Jmol Unang Larawan
Mga pag-aaring katangian
Pormulang Tipik C8H11NO2
Bigat pangmolar 153.18 g/mol
Densidad 1.26 g/cm3
Puntong natutunaw

128 °C, 401 K, 262 °F

Puntong kumukulo

decomposes

Solubilidad sa tubig 60.0 g/100 ml
Mga panganib
R-phrases R36/37/38
S-phrases S26 S36
 Y (ano ba ito?)  (patunayan)
Maliban na lamang kung itinala ang kabaligtaran, ibinigay ang datos para sa mga materyal sa kanilang pamantayang estado (sa 25 °C, 100 kPa)
Infobox references

Ang dopamino(Ingles: dopamine) ay isang catecholaminikong neurotransmitter na umiiral sa malawak na uri ng mga hayop kabilang ang mga bertebrado at inbertebrado. Sa utak, ang hinaliling phenethylamine na ito ay nagsisilbing neurotransmitter na nagpapagana(activate) ng limang alam na uri ng mga reseptor ng dopamino na D1, D2, D3, D4, at D5—at mga barianto(uri) nito. Ang dopamino ay nalilikha sa ilang mga area ng utak kabilang ang substantia nigra at bentral tegmental area. Ang dopamino ay isa ring neurohormone na inilalabas ng hypothalamus. Ang pangunahing tungkulin nito bilang isang hormone ay pigilan ang paglabas ng prolactin mula sa anterior na lobo(lobe) ng glandong pituitaryo.

Ang dopamino ay makukuha bilang isang intrabeniyosong medikasyon na umaasal sa simpatetikong sistemang nerbiyos na lumilikha ng mga epekto gaya ng pagbilis ng pulso ng puso gayundin ang presyur ng dugo. Gayunpaman, dahil ang dopamino ay hindi maaaring makatawid sa harang na dugo-utak, ang dopaminong ibinibigay na droga ay hindi direktang umaapekto sa sentral na sistemang nerbiyos. Upang dagdagan ang halaga ng dopamino sa mga utak ng mga pasyenteng may sakit gaya ng sakit na Parkinson at tumutugon sa dopang dystonia, ang L-DOPA(na prekursor ng dopamino) ang kalimitang ibinigay sa mga pasyente dahil ito ay makakatawid sa harang na utak-dugo na relatibong madali.

Kemistri[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dopamine synthesis.png

Ang dopamino ay may kemikal na pormulang C6H3(OH)2-CH2-CH2-NH2. Ang kemikal na pangalan nito ay "4-(2-aminoethyl)benzene-1,2-diol" at ang abrebiasyon nito ay "DA." Bilang isang medisinal na ahente, ang dopamino ay sine-sintesis sa pamamagitan ng demythlasyon ng 2-(3,4-dimethoxyphenyl)ethylamine (left) gamit ang hydrogen bromide.[1][2]

Mga tungkulin[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang dopamino ay maraming mga tungkulin sa utak kabilang ang mahalagang mga pepel sa pag-aasal, kognisyon, boluntaryong paggalaw, motibasyon, parusa at gantimpala, pagpipigil ng prolactin, pagtulog, mood, atensiyon, gumaganang memorya, at pagkatuto. Ang mga dopaminerhikong mga neuron o mga neuron na ang pangunahing neurotransmitter ang dopamino ay makikita ng pangunahin sa bentral tegmental area ng gitnangutak, sa pars compacta ng substantia nigra at sa arcuate nucles ng hypothalamus.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. J. S. Bayeler, Ann. Chem., 513, 196 (1934).
  2. G. Hahn, K. Stiehl, Chem. Ber., 69, 2640 (1936).