Pumunta sa nilalaman

Sentrong Pangkultura ng Korea sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Sentrong Pangkultura ng Korea sa Pilipinas (Ingles: Korean Cultural Center in the Philippines; Hangul: Hanguk Munhwaheo) ay nagbukas sa madla noong 19 Hulyo 2011 at naglalayong maging isang pangunahing lunan sa pagpapalawig ng kaalaman ukol sa Wika at Kalinangang Koreano at magbigay ng isang interactive space para sa pagpapalitang pang-kultural.

Bukod sa pagtuturo ng Hangul at Kulturang Koreano, binabalak din sa hinaharap ang pagtuturo ng wikang Tagalog para sa mga Koreanong naninirahan na sa Pilipinas.

Ang sentro ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Mancor Corporate Center sa 32nd Street, Bonifacio Global City, Lungsod ng Taguig.

Silid-aralan sa pag-aaral ng Hangul

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kakayahang maglulan ng 25 na mag-aaral, dito ginaganap ang pagtuturo ng Hangul sa apat na antas - Basic, Elementary 1at 2, at Advanced. Sa hinaharap, dito magaganap ang pagtuturo ng Tagalog para sa mga residenteng Koreano.

Silid aralan Pangkalinangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matutunghayan dito ang mga tradisyunal na instrumentong musikal kagaya ng kayagum at gong, kasuotang pambabae at panlalaki (Hanbok) at iba pang gawang-sining. Dito kalimitang isinasagawa ang mga interaksiyong kultural, at kasya dito ang may 40 katao.

Silid aklatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakalagak dito ang 2,500 aklat tungkol sa ibat-ibang paksa. Kabilang din ang DVDs ng ilang mga tanyag na Korean telenobela at konsiyerto ng mga sikat na KPOP entertainers at CDs ng mga tradisyunal at makabagong musika at awitin.

Bulwagang Hallyu

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Korean Wave o Hallyu Hall ay pinagdarausan ng mga pagtatanghal ng pelikula, konsiyerto at pagpapakitang-gawa sa pagluluto, laro, sining, at crafts. Gayundin, dito isinasagawa ang mga pagsasanay sa sayaw, awit, at taekwondo. Kasya dito ang humigit-kumulang 100 katao.

Lugar para sa Pagtatanghal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa itong malawak na espasyo sa gitna ng sentro na itinalaga sa pagtatanghal ng mga katutubo at napapanahong Sining Koreano. Natapos noong Pebrero 2012 ang eksibit na Jogakbo.

Sa silid na ito na kasya ang hanggang 15 mag-aaral isinasagawa ang pagtuturo ng lutuing Koreano. Kumpleto ito sa mga kasangkapan at kagamitan sa pagluluto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]