Sheol
Ang Sheol (Ingles: Sheol) Wikang Hebreo שְׁאוֹל Šʾôl) na isinalin bilang "libingan", "hukay" o "tirahan ng mga namatay" ay ang kinikilalang tirahan ng mga patay o mundong ilalim sa paniniwalang Hudyo. Ito ang lugar na patutunguhan ng mga namatay(Kaw. 9:18) ng parehong mga matuwid(hal. Awit 49:15) at mga masama(hal. Awit 9:17).[1]
Mga salin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa saling Griyegong Septuagint ng Hebreong Tanakh, ang sheol ay isinalin ng 61 sa 65 beses na Griyegong Hades, 2 beses na thanatos(kamatayan) at 2 beses nang hindi isinalin.
Sa ika-17 na siglong salin ng Bibliya sa Ingles na King James Version, ang Sheol sa Lumang Tipan ay isinalin na "impiyerno"(hell) ng 31 beses, [2] "libingan"(grave) ng 31 beses[3] at "hukay"(pit) ng 3 beses.[4]
Sa mga modernong salin ng Bibliya, ang sheol ay hindi isinalin na impiyerno kundi "libingan", "hukay" at "kamatayan".
Mga talata sa Lumang Tipan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinaroroonan ng Sheol
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Isaias 14:12, "Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod."
- Job 17:13-16, "Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae; Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita? Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok."
- Genesis 37:35, "At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, Sapagka't bababa akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama."
- Genesis 44:29, "At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan."
- Bilang 16:29-34, "Kung ang mga taong ito ay mamatay sa karaniwang kamatayan ng lahat ng tao, o kung sila'y dalawin ayon sa karaniwang pagdalaw sa lahat ng tao; ay hindi nga ako sinugo ng Panginoon. Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, at sila'y ibabang mga buhay sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon. At nangyari, na pagkatapos na masalita niya ang lahat ng salitang ito, na ang lupa na nasa ilalim nila ay bumuka: At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kanilang pag-aari. Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buhay sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan. At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila; sapagka't kanilang sinabi, Baka pati tayo'y lamunin ng lupa.
Mga nasa Sheol
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Job 30:23, "Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan, at sa bahay na takda sa lahat na may buhay. "
- Awit 89:48, "Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)"
- Awit 141:7, "Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol."
- Isaias 14:9, "Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa."
- Awit 139:8, "Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw(Panginoon) ay nandoon."
Panahon sa Sheol
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Job 7:9, "Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa."
- Awit 30:3, " Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay."(Maaring ito ay piguratibo dahil hindi siya literal na namatay o inilibing).
- Job 10:21-22, "Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan; Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman."
- 1 Samuel 2:6, "Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa. "
Kalagayan ng mga nasa Sheol
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Awit 6:5, "Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?"
- Awit 31:17, "Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol."
- Eclesiastes 9:10, "Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan."
- Isaias 38:18, "Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan."
- Awit 88:10-12, "Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah) Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan? Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot? "
- Awit 115:17, "Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan;"
- Awit 94:17, "Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan."
- Ezekiel 32:21, Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya: sila'y nagsibaba, sila'y nangakatigil, sa makatuwid baga'y ang mga hindi tuli, na nangapatay ng tabak.
- Awit 116:3, " Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. "
- Isaias 14:10, "Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?"
- Awit 88:4-5, " Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas: Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala; at sila'y mangahiwalay sa iyong kamay. "
- Isaias 38:10, "Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon."
- Isaias 38:17, "Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap: Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan; Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran."
Kahahantungan ng Sheol
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hosea 13:14, "Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, ako ang iyong magiging kawasakan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata."
Mga pananaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangkalahatang inaayunan ng mga skolar gayundin sa Hudaismo na ang sheol ay hindi tumutukoy sa "lugar ng walang hanggang kaparusahan"(o impiyerno sa doktrinang Kristiyanismo) kundi sa "libingan", temporaryong tirahan ng mga namatay, at mundong ilalim.[5]
Sa Bagong Tipan, ang pariralang "לא־תעזב נפשׁי לשׁאול" (hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol) sa Awit 16:10 ay sinipi sa Mga Gawa 2:27 bilang "οὐκ ἐγκαταλείψεις τὴν ψυχήν μου εἰς ᾅδου" (hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades). Sa King James Version, ang Mga Gawa 2:27 ay isinalin na "thou wilt not leave my soul in hell(impiyerno)". Sa textus receptus na pinagbasehan ng King James Version, ang "ᾅδης" (Hades) ay lumitaw ng 11 beses. Sa bawat instansiya, isinalin ng King James Version ang Hades bilang "hell"(impiyerno) maliban sa 1 Cor. 15:55 kung saan ginamit ang "grave"(libingan). Sa mga edisyong kritikal ng 1 Cor. 15:55, ang "θάνατος" (kamatayan) ay pumalit sa "ᾅδης"(Hades).[6] Sa mga modernong salin kung saan ay mayroon lamang 10 instansiya ng "ᾅδης" ay pangkalahatang tinranslitera bilang "Hades". Sa modernong salin na NIV ng Mga Gawa 2:27, ito ay isinalin na "you will not abandon me to the realm of the dead". Sa lahat ng mga paglitaw ng hades sa Bagong Tipan maliban sa isa, ang "ᾅδης"(hades) ay may kaunti kung meron mang anumang kaugnayan sa mga gantimpala o parusa sa kabilang buhay. Ang eksepsiyon nito ang Talinghaga ni Lazaro at isang mayaman(Lucas 16:19-31) kung saan ay natagpuan ng mayaman ang kanyang sarili sa Hades at nagdurusa. Ang ilang mga skolar ay naniniwala na ang talinghagang ito ay sumasalamin sa pananaw na Hudyo noong panahong intertestamental ng sheol o hades na naglalaman ng magkahiwalay na mga dibisyon para sa masama at matuwid.[7]
Sa Bagong Tipan, ang isinaling "impiyerno" ng mga tagapagsalin ng Bibliya ay tipikal na inilalarawan gamit ang mga salitang Griyegong Tartarus o Hades(na isinalin sa Septuagint mula sa Hebreong Sheol) o ang salitang Hebreo na Gehenna. Ang Gehenna o "lambak ng Hinnom" ay aktuwal na lokasyon na orihinal na handugan ng mga tao sa diyos na si Moloch, ngunit kalaunang naging tambakan at sunugan ng basura at mga bangkay ng mga kriminal na nagkamit lamang ng kahulugang metaporikal noong panahong intertestamental. Sa Marcos 9:47-48, ang Gehenna(na isinaling "impiyerno") ay inilarawan na "na doo'y hindi namamatay ang kanilang maggot, at hindi namamatay ang apoy".
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Tirahan ng mga patay, Seol". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 63. - ↑ Deut. 32:22, Deut. 32:36a & 39, II Sam. 22:6, Job 11:8, Job 26:6, Psalm 9:17, Psalm 16:10, Psalm 18:5, Psalm 55:15, Psalm 86:13, Ps. 116:3, Psalm 139:8, Prov. 5:5, Prov. 7:27, Prov. 9:18, Prov. 15:11, Prov. 15:24, Prov. 23:14, Prov. 27:20, Isa. 5:14, Isa. 14:9, Isa. 14:15, Isa. 28:15, Isa. 28:18, Isa. 57:9, Ezek. 31:16, Ezek. 31:17, Ezek. 32:21, Ezk. 32:27, Amos 9:2, Jonah 2:2, Hab. 2:5
- ↑ Gen. 37:35, Gen. 42:38, Gen. 44:29, Gen. 44:31, I Sam. 2:6, I Kings 2:6, I Kings 2:9, Job 7:9, Job 14:13, Job 17:13, Job 21:13, Job 24:19, Psalm 6:5, Psalm 30:3, Psalm 31:17, Psalm 49:14, Psalm 49:14, Psalm 49:15, Psalm 88:3, Psalm 89:48, Prov. 1:12, Prov. 30:16, Ecc. 9:10, Song 8:6, Isa. 14:11, Isa. 38:10, Isa. 38:18, Ezek. 31:15, Hosea 13:14, Hosea 13:14, Psalm 141:7
- ↑ Num. 16:30, Num. 16:33, Job 17:16
- ↑ New Bible Dictionary third edition, IVP 1996. Articles on "Hell", "Sheol".
- ↑ Greek New Testament Naka-arkibo 2008-11-08 sa Wayback Machine.; cf. The International Standard Bible Encyclopedia, Vol. II:1314-1315. [1915.
- ↑ New Bible Dictionary 3rd edition, IVP Leicester 1996. "Sheol".