Pumunta sa nilalaman

Sergei Sviatchenko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sergei Sviatchenko

Sergei Sviatchenko (isinilang noong 1952 sa Kharkov) ay isang Ukranyanong artista ng sining na naninirahan sa Dinamarka. Nagtapos si Sviatchenko mula sa Ang Akademya ng mga Sining at Arkitektura sa Kharkov noong 1975, at nakamit niya ang degring Ph.D. mula sa Paaralan ng Arkitektura sa Kiev noong 1986.

Paraan sa pagpinta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Madaling makilala ang pamamaraang pangsining ni Sviatchenko. Isa itong uri ng ekspresiyonismo (nagpapahiwatig at nagpapadama) na walang tiyak na anyo kung saan nagpipintura siya sa ibabaw ng paksa ng may ilang mga ulit upang maabot ang isang layunin na nagpapalabas ng mga partikular na mga damdamin sa isipan ng tagatingin. Sa karamihan ng kaniyang ipinintang mga larawang pantanawin, mas mahalaga ang lalim ng larawan kaysa sa mismong paksa.

Palagiang sumusubok si Sviatchenko ng iba't ibang mga kasangkapan at kagamitang pampinta (mga midiya at instalasyon). Mahilig siya sa paggamit ng akriliko sa ibabaw ng kambas, ngunit nakagawa rin siya ng mga instalasyon, sining pampanoorin, sining ng potograpiya, at ang pinagtapal-tapal na mga disenyo o collage.[1] Malimit na gumagawa siya ng mga sinadyang pagbabago sa mga litrato. Isa sa mga pinagsimulan ng pagkakakilala sa kaniya sa Ukraine ang paglikha ng collage. Hindi pa mainam ang pagtanggap ng mga abstrak na sining (walang tiyak na anyo) sa Unyong Sobyet, kung saan ang sining ang sinasabing nagtataguyod sa rehimen. Mula sa kalagitnaan ng mga 1970, mas inibig ni Sviatchenko ang paggawa ng mga collage, at mas marami siyang ipininta[2] mula sa kalagitnaan ng mga 1980.

Pamukaw-sigla

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbuhat sa surealismo at arkitektura, bukod sa iba pang mga bagay, ang pamukaw-sigla sa sining ni Sviatchenko. Napagkasi rin siya ng mga dakilang mga dalubhasang katulad nina Michelangelo at Le Corbusier, mga pinto na nagtagumpay sa paggawa ng pagkakaroon ng pagkakaisa ng arkitektura at mga pininong sining. Ngunit isa sa mga pinakamahalagang inspirasyon niya si Evgenij Sviatchenko, na kaniyang ama, at isang propesor ng arkitektura at isa ring artista ng sining. Si Evenij ang nagpakita kay Sergei ng Rusong sining na mula pa bago maganap ang Rusong Paghihimagsik ng 1917, kung saan napakahalaga ng kulay na puti para sa liwanag at puwang sa larawang ipininta.[3]

  1. Gaboy, Luciano L. Collage, tapal-tapal na disenyo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Paintings & others: 159
  3. Paintings and others: 160

Mga babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sviatchenko, Sergei. Sergei Sviatchenko, Borgens Forlag, 2002
  • Sviatchenko, Sergei. Sergei Sviatchenko: Paintings & Others 1991-2006, Hovedland, 2006

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]