Pumunta sa nilalaman

Sestri Levante

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sestri Levante
Comune di Sestri Levante
Tanawin ng Sestri Levante mula sa himpapawid
Tanawin ng Sestri Levante mula sa himpapawid
Eskudo de armas ng Sestri Levante
Eskudo de armas
Lokasyon ng Sestri Levante
Map
Sestri Levante is located in Italy
Sestri Levante
Sestri Levante
Lokasyon ng Sestri Levante sa Italya
Sestri Levante is located in Liguria
Sestri Levante
Sestri Levante
Sestri Levante (Liguria)
Mga koordinado: 44°16′N 9°24′E / 44.267°N 9.400°E / 44.267; 9.400
BansaItalya
RehiyonLiguria
Kalakhang lungsodGenova (GE)
Mga frazioneAzaro, Balicca Ponterotto, Cascine, Fossa Lupara, Ginestra, Libiola, Loto, Montedomenico, Riva Trigoso, Rovereto, San Quillico, San Bartolomeo, San Bernardo, Santa Margherita di Fossa Lupara, Santa Vittoria di Libiola, Tassani, Trigoso, Vignolo, Villa Arpe, Villa Campomoneto, Villa Carmelo, Villa Costa, Villa Costarossa, Villa Fontane, Villa Manierta, Villa Rocca, Villa Rocche, Villa San Bernardino, Villa Scorza, Villa Staffora, Villa Zarello
Pamahalaan
 • MayorFrancesco Solinas
Lawak
 • Kabuuan33.62 km2 (12.98 milya kuwadrado)
Taas
1 m (3 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan18,339
 • Kapal550/km2 (1,400/milya kuwadrado)
DemonymSestrini
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
16039
Kodigo sa pagpihit0185
Santong PatronSan Nicolas at San Juan Bautista
Saint dayDisyembre 6 at Hunyo 24
WebsaytOpisyal na website

Ang Sestri Levante (Latin: Segesta Tigullorum/Segesta Tigulliorum) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Genova, rehiyon ng Liguria, hilagang-kanlurang Italya. Matatagpuan ito sa Dagat Mediteraneo, ito ay humigit-kumulang 40 kilometro (25 mi) timog-silangan ng Genova at makikita sa isang promontoryo. Habang ang kalapit na Portofino at ang Cinque Terre ay marahil ang pinakakilalang destinasyon ng mga turista sa Riviera Italiana, naging tanyag ang Sestri Levante sa mga Italyano. Ang dating tahimik na pamayanang pangmangingisda na ito ay dahan-dahang naging puntahan ng mga turista, na bumubuo ng luma at bagong bayan. Ang mga mamamayan ng Sestri Levante ay kadalasang gumagamit ng pananalitang: "Sestri è scialla". Ang ekspresyong ito ay sumasagisag sa tahimik na kalikasan ng lungsod ng Sestri Levante, na kilala sa mga nakamamanghang tanawin nito.

Ang Sestri Levante ay matatagpuan humigit-kumulang kalahati sa pagitan ng Genoa at La Spezia. Ang bayan ay may dalawang look: Baia delle Favole, (Look ng mga Pabula), at Baia del Silenzio, the (Look ng Katahimikan). Ang orihinal na bahagi ng Sestri Levante ay nasa isang tangway, kung saan ang Baia del Silenzio (kilala rin bilang "Portobello") sa isang gilid at ang Baia delle Favole sa kabilang panig. Ang Baia delle Favole o "Look ng mga Kuwentong Bibit" ay pinangalanan bilang parangal sa Danes na manunulat, si Hans Christian Andersen, na nanirahan sa Sestri Levante sa maikling panahon noong 1833.

Ang Sestri Levante ay nagmula bilang isang sinaunang sentrong pandagat at manininda. Orihinal na isang maliit na isla na may isang promontoryo, ito ay konektado sa kalupaan. Noong panahon ng mga Romano, ito ay kilala bilang Segesta Tigullorum (o Tigulliorum) o simpleng Segesta, ngunit ang lugar ay halos abandonado nang bumagsak ang imperyo ng Roma. Tila ito ay kabilang sa tribong Ligur ng Tigullii.[4][5] Muli itong binanggit noong taong 909 sa isang sertipiko ng Berengario ng Italya, kung saan ang bahagi ng teritoryo nito ay ipinasa sa basilica di San Giovanni di Pavia. Sa panahon ng Gitnang Kapanahunan, nagsimulang lumawak ang Sestri Levante, marahil ay nagbibigay ng hitsura ng kuta na dahil sa kalupaan.

Mga kakambal na bayan at mga kinakapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Sestri Levante ay kambal sa: [6]

Mga kilalang mamamayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  4. Padron:Cite Pliny
  5. Padron:Cite DGRG
  6. "Città gemellate". comune.sestri-levante.ge.it (sa wikang Italyano). Sestri Levante. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2019. Nakuha noong 19 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]