Santa Margherita Ligure
Santa Margherita Ligure | |
---|---|
Comune di Santa Margherita Ligure | |
Look ng Santa Margherita Ligure | |
Mga koordinado: 44°20′N 9°13′E / 44.333°N 9.217°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Liguria |
Kalakhang lungsod | Genova (GE) |
Mga frazione | Nozarego, Paraggi, San Lorenzo della Costa |
Pamahalaan | |
• Mayor | Paolo Donadoni |
Lawak | |
• Kabuuan | 10.04 km2 (3.88 milya kuwadrado) |
Taas | 13 m (43 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 9,124 |
• Kapal | 910/km2 (2,400/milya kuwadrado) |
Demonym | Sanmargheritesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 16038 |
Kodigo sa pagpihit | 0185 |
Santong Patron | Santa Margarita ng Antioquia |
Saint day | Hulyo 20 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Santa Margherita Ligure (Ligurian: Santa Margaita) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Genova, rehiyong ng Liguria, hilagang-kanlurang Italya, na matatagpuan mga 35 kilometro (22 mi) timog-silangan ng Genova, sa lugar na tradisyonal na kilala bilang Tigullio. Mayroon itong daungan, na ginagamit para sa parehong mga aktibidad sa turismo at pangingisda. Bahagi sa teritoryo ng comune ang Rehiyonal na Liwasang Pangkalikasan ng Portofino. Ang Santa Margherita Ligure ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Camogli, Portofino, at Rapallo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkakaroon ng isang Romanong paninirahan ay hindi pa tiyak na napatunayan. Ang borgo, na kilala bilang Pescino, ay winasak ng mga Rotario noong 641 at ng mga Saraseno noong ika-10 siglo. Nang maglaon, ito ay isang fief ng pamilya Fieschi hanggang 1229, nang ito ay nakuha ng Republika ng Genova.
Noong 1432, sinalakay ito ng hukbong-dagat ng Venecia at noong 1549, kasama ang Rapallo, ng Turgut.
Noong 1813, sa ilalim ng dominasyong Napoleoniko, ang dalawang borgo ng Pescino at Corte ay pinag-isa bilang Porto Napoleone. Noong 1815, ito ay isinama sa Kaharian ng Cerdeña bilang komunidad ng Santa Margherita Ligure. Noong 1861 naging bahagi ito ng bagong pinag-isang Kaharian ng Italya.
Ikinonekta sa pamamagitan ng tren noong ika-20 siglo, ang Santa Margherita ay naging isang kilalang resort panturista pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.